In fairness, mapagkakamalan mo talagang si Kathryn Bernardo ang baguhang young actress na si Nadine Lustre, ang bida sa latest romantic-comedy film ng Viva Films na “Diary Ng Panget” with Andre Paras, Yassi Pressman at ang young hunk actor at bagong pantasya ng mga beki na si James Reid.
Sa pocket presscon na ibinigay ng Viva kina Nadine at James nu’ng Huwebes ay para rin naming iniinterbyu si Kathryn habang kachika si Nadine, bukod pa ‘yan sa halos magkatulad nilang boses.
Ano ang reaksiyon ni Nadine rito, “Ako naman kasi with that issue, I’m actually flattered pa kasi Kathryn we all know naman na she’s beautiful, she’s gorgeous and she’s pretty famous right now.
So ako parang okay lang kasi to be compared with someone like that di ba it’s very flattering.” Dugtong pa niya, “Well ako naman kasi I don’t get affected by it, iba naman si Kathryn, iba din naman ako. siguro it’s just the some features that are hawig,” kasabay ng pagsasabing gusto niyang makilala nang personal si Kathryn dahil hanga rin siya rito bilang artista.
Anyway, excited na si Nadine sa launching movie niyang “Diary Ng Panget” na showing na sa April 2 natiowide, “It’s very exciting because I mean this is my launching movie so I don’t know how it’s going to turn out kasi parang di ba fresh face, new face so parang I was scared at first.”
“I was very nervous kasi baka sabihin ‘Ang dami namang artista diyan bakit pa bago ang ginamit nila?’ But then all the fans kasi since they know the book parang positive naman yung reaction nila sa amin ni James so right now I’m more of excited,” aniya pa.
At siyempre, umaasa ang teen actress na magiging bongga ang pagtanggap ng mga manonood sa loveteam nila ni James Reid sa movie, at sana raw ay masundan pa ito kapag naging matagumpay ang “Diary Ng Panget” na idinirek ni Andoy Ranay.
Sa lahat ng fans na gustong makita up close and personal ang mga bida ng pelikula, nasa SM Rosario at SM Bacoor sila ngayong hapon, bukas sa SM Fairview, at sa Lunes sa SM Calamba.