Melissa Ricks nawalan ng mga trabaho dahil sa sobrang taba

DAHIL malaking tingnan sa TV screen si Melissa Ricks ay kinailangan niyang magbawas ng timbang at isa ito sa dahilan kaya naudlot ang follow-up project niya pagkatapos ng Honesto.

Hindi itinanggi ni Melissa na, “Nao-offend ako kasi hindi naman ako mataba, normal lang. But everybody else kasi is really petite and small.

E, ako, I’m half-American, so big ang built ko and for my height (5’8), I think I’m a normal person, but in show business, you have to be really payat, so, I have to work on that kasi dati nu’ng bata pa ako, sobrang payat ko, as in.”

Dagdag pa ng dalaga, “Ang problema sa akin, hindi naman ako malakas kumain, mas malakas pa nga sa akin kumain sina Kim (Chiu), mas maraming malakas kumain sa akin.

“Yung lahi kasi namin, my dad’s kasi is big and titas’ side ko in my dad’s family, siguro ngayon lang nag-aano (lumalabas) ‘yung genes.“Kailangan lagi akong naka-diet, hindi naman ako nagpapagutom, (kailangan) nagwo-work out.

Unlike the past three years, sobrang problema ko talaga ‘yung weight ko, hindi ko alam kung paano ko sosolusyunan.
“Nandiyang pumunta ako sa doctor kasi baka may problems sa hormones o thyroid.

May time na puro salad (kinakain) pero hindi naman ako pumayat, so hindi ko alam talaga ‘yung problem. “Dati, I already lost eleven pounds, tapos nag-taping ulit ako (Honesto), I gained weight again.

Sobra, lagi akong pinagsasabihan,” detalyadong kuwento pa sa amin ni Melissa. Kaya ang drama muna ni Melissa habang nagpapapayat ay, “Vacation mode muna ako ngayon dapat may follow-up ako sa Dreamscape, e, mataba nga ako, hindi naman ganu’n kabilis mag-lose ng weight.”

Samantala, hindi na kabilang si Melissa sa samahan ng walang dyowa dahil may inspirasyon siya ngayon at exclusively dating sila ng dati niyang schoolmate sa OB Montessori sa San Juan.

Matagal na raw naka-move on ang dalaga sa paghihiwalay nila ng ex-boyfriend niyang si Paul Jake Castillo. “Mga two months na akong nagdi-date ngayon kasi before talaga, hindi ako lumalabas, hindi ako nakikipag-date, nasa bahay lang ako, now okay na ako,” say ng aktres.

“Dati ko na siyang kakilala kasi schoolmate ko siya sa OB Montessori 10 years ago, e, nag-iba na ang itsura niya kaya hindi ko siya nakilala nu’ng ipakilala siya sa akin nina Bianca (Manalo) at Gretchen (Fullido).

Common friends ganu’n. Siya (ka-date) pa nga ang nagpaalala na school mate kami,” sabi pa. Young businessman daw ang lucky guy, “Totally walang kinalaman (showbiz) kasi he’s into business (chain of restaurants), silang mga friends, sosyo-sosyo, ganu’n. He’s a chef actually, bagets pa.”

At maski vacation mode ang drama ngayon si Melissa ay hindi naman daw siya nababakante sa mga personal appearances, “Lahat ng events pinupuntahan ko like launching ng new models of Nikon camera, I was invited by ThinkDarma kasi gusto ko ring matuto ng photograpy, kasi IPhone lang ginagamit ko pag kumukuha ng pictures.

Gusto ko ng D-SLR kasi si Helga (Kraft, bestfriend niya), meron siyang D-SLR, ang ganda ng mga kuha, gusto kong matuto rin,” kuwento ng aktres.

Speaking of ThinkDarma na distributor ng IPhone, Nokia, LG, Lenovo, HP, ito na rin ang sole distributor ngayon ng Nikon cameras ayon sa general manager nitong si Ernest Perez sa Pilipinas simula ngayong Abril 2014.

Going back to Melissa, hindi pa sure si Mr. Perez kung kukunin nilang endorser ang dalaga kasama pa ang ibang artista tulad nina Helga at Mark Neumann na napapanood sa Confessions of A Torpe.

 

Read more...