P185-M jackpot sa lotto

INAASAHANG aabot sa P185 milyon ang jackpot prize ng Grand Lotto 6/55 sa Sabado. Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), walang tumaya sa mga lumabas na numerong 18-53-38-09-14-23 na lumabas sa bola noong Miyerkules ng gabi.

Umabot sa P173.9 milyon ang jackpot prize sa naturang bola. Nanalo naman ng tig-P52,540 ang 50 mananaya na nakakuha ng lima sa anim na numerong lumabas.

Noong Enero 22 pa hindi tinatamaan ang jackpot prize kaya lumaki na ito.

Read more...