Mukhang dedma lang si Manny Pacquiao sa panibagong kontrobersiya na kinasasangkutan niya ngayon. Ito ‘yung paglantad muli ng isang babaeng nagke-claim na may anak sila ni Pacman.
Hinihiling daw kasi ng girl na kilalanin naman daw sana ni Pacman ang kanilang anak.
Wala naman daw galit ‘yung babae kay Manny, at wala rin daw siyang balak manggulo, basta ang gusto niya huwag naman daw sanang ikahiya ni Pacman ang kanilang anak.
Pero hanggang ngayon nga ay wala tayong naririnig na resbak mula kay Manny, at kahit ang kanyang asawang si Jinkee Pacquiao ay dedma rin.
Feeling namin, may nagpayo sa mag-asawa na huwag nang magsalita tungkol sa issue para hindi na lumala.
Maaaring may ginagawa nang paraan ang kampo ni Pacman para maayos na ang problema.
Anyway, sa kabila ng kontrobersiyang ito, tuluy-tuloy pa rin ang pagtatrabaho ni Manny, ngayong gabi magaganap ang bonggang birthday special ni Pacman sa Manny Many Prizes ng GMA.
Siguradong marami na namang mapapasaya at matutulungan si Pacman sa kanilang programa tonight. E, kilala n’yo naman si Manny, kapag natuwa ‘yan, talagang halos ipamigay na lang niya ang mga papremyo sa mga contestants ng Manny Many Prizes.
Naghahanda na rin si Pacman sa pagpunta nila ng kanyang pamilya sa Amerika, magbabakasyon daw doon ang mag-anak at sa third week na ng January, 2012 sila babalik sa Pilipinas kaya naman sunud-sunod na ang advance taping ni Manny para sa Manny Many Prizes. nasa GenSan ngayon ang boxing champ para gampanan naman ang kanyang mga obligasyon sa kanyang mga kababayan bilang congressman.