Wish nina Bimby at Josh na makita si Spiderman hindi natupad ni Kris

KRIS, JOSH AT BIMBY

HINAYANG na hinayang marahil ang magkapatid na Joshua at Bimby dahil hindi sila natuloy sa exclusive screening kahapon sa “The Amazing Spiderman 2” na matagal ng naka-schedule.

Masama kasi ang pakiramdam ng mama nilang si Kris Aquino kahapon at mas ginusto na lang nitong magpahinga sa bahay.

Base sa Instagram post ng Queen of All Media, “Woke up to drink medicine. Feeling awful. Will sip chamomile lavender tea & go back to sleep. Sadly had to pack up the water Zumba etcetera activities for Kris TV. My body’s giving me a message I’m hearing loud & clear. Have a good Wednesday to all, I’m spending mine in bed.”

Pero kinagabihan ay nasa Aquino-Abunda Tonight na si Kris para sa live interview nila ni Boy Abunda kay healing priest, Father Fernando Suarez.

Samantala, isa si Kris sa nakasama ng kapatid niyang si Pangulong Noynoy Aquino sa ginanap na Bangsamoro Peace Agreement kahapon sa Malakanyang.

As of now ay wala pa ring ipinost ang TV host sa kanyang Instagram account tungkol sa kanyang secret admirer.

Read more...