Sobrang affected si Chito Miranda when he learned na gusto ng gobyerno na bigyan ng mas malaking tax ang foreign acts. Sa Twitter niya ibinuhos ang kanyang sentiment.
“Sorry uminit ulo ko. Gusto singilin ang mga foreign acts ng mas malaking tax kasi nalulugi daw ang Pinoy acts. Hindi nila kasalanan yun!
“Bakit kelangan magbayad ng equity ang foreign acts? We should welcome them! Not drive them off! Hindi yan ang sagot para umunlad ang OPM.
“Pero higit sa lahat, kelangan natin gumawa ng magagandang kanta kasi papakinggan yan ng pinoy kahit gaano pa kasikat ang mga banyagang kanta.
“Kasalanan na ng mga foreign acts kung bakit kulang ang kita ng Pinoy artists? Dapat nga masaya tayo na pumupunta sila dito eh.
“As artists, all we have to do is make music worth listening to. Hindi kasalanan ng mga foreign acts ang lack of support ng mga pinoy sa OPM.”
‘Yan ang sunud-sunod na tweet ng Parokya ni Edgar frontman. He explained kung ano ang kailangang gawin, “Habulin nyo yung mga pirata at yung mga illegal downloading sites. Dun nalulugi ang mga pinoy artists! Hindi dahil sa foreign acts!”
The day after, tila nahimasmasan na si Chito Miranda kaya mas sober na ang tweets niya.
“Binalikan ko yung mga tweets ko kagabi. Gusto ko lang sabihin na I appreciate the govt’s efforts to help OPM. But let us do it correctly. 🙂
“Sorry. Kanina pa ako tulog. Nagising lang ako at naglabas ng sama ng loob. Mabuhay ang OPM at ang mga Pinoy artists. Pls support OPM! Gdnyt!” he further said.