Kris: Gusto ko ng sariling TV Network!

Ayaw na rin daw pumasok sa politika

SA ginanap na grand presscon ng “Segunda Mano” ay tinanong si Kris Aquino kung totoong magreretiro na siya sa edad na 45 base sa interview niya sa Yes Magazine kamakailan.

“Oo, I want to go as an actress and performer when I’m still at my peak because that was my mom’s dream.

“Dream ‘yun ng mom. Sinabi niya na beyond my time, well, I’m not retiring in the business, but I want to become a producer, I want to become an executive, I want to own a station (TV network),” sabi ng Queen of all Media.

“I want to be Mr. (Tony) Tuviera, why not? Keri lang,” dagdag pang sabi ni Kris.

At hindi na raw siya papasok sa pulitika, “I changed my mind. Ayoko Reggs. Na-realize ko, e, makatao ako, eh.

So, I mean mabait ako, pero negosyante rin ako kasi na-realize ko nang nagsu-shoot (Segunda Mano) kami, tanungin mo silang lahat (cast and crew) kung ano ang kinakain ko, pinapakain ko rin sa lahat.

Anong meryenda ko, ‘yun din ang meryenda ng lahat kaya love nila ako.

“Pinipilit ako ni direk Joyce Bernal na magdiyeta, e, gutom na gutom na ako. So para makakain ako ng pizza, bumili ako for everybody, 30 boxes na pizza dumating.

Tapos meron ‘yung night na patayan talaga na alam kong sobrang pagod na ang lahat ay nagpa-cater ako ng limang ulam kasi na-realize ko ang tao kapag masarap ang food, mas ganadong mag-work talaga,” katwiran ng aktres

.Nai-share rin ni Kris na ikinuwento raw sa kanya ni Ai Ai delas Alas sa set ng “Enteng Ng Ina Mo” na, “Ang sarap-sarap daw ng food, kaya sabi ko, hindi naman puwedeng sa amin hindi. Naki-compete ba ako kay Vic Sotto! Ha-hahaha!

“Sabi pa ni Ai Ai, friendship ang daming ulam, tapos may delatang softdrinks. Ha-hahaha! Kaya sabi ko, magpabili kayo ng Starbucks para sa lahat,” tumatawang kuwento ni Kris.

“So gusto kong maging Mr. Tuviera kasi ganu’n daw siya. He feeds his people well kaya, well-loved siya and that’s why the blessings come back.

So I want to be that type of producer and you can’t do that if you own ABS-CBN na ganito kalaki, because there’s so much, pero kung isa o dalawa kaya, so I know I can do that,” paliwanag ni Krissy.

Kung ayaw niyang maging may-ari ng ABS-CBN, posibleng maging executive na lang siya? “I want to have my subsidiary,” tumawang sabi ni Kris.

“Kasi di ba, the likes of Brad Pitt, Tom Cruise are given production deals by Universal, Paramount, Sony sana mabigyan din ako ng ganu’n,” paliwanag pa ng TV host-actress.

Samantala, nabanggit din ni Kris na natuwa siya sa co-star niyang si Angelica Panganiban dahil sobrang bait at sobra rin daw ang hirap na tiniis nito sa pelikula kaya naman binigyan niya ito ng bonggang IPad2 sa last shooting day nila.

At bukod dito ay tuwang-tuwa siya sa dalaga kapag ini-impersonate siya nito sa Banana Split.

“Ang gusto ko lang nagi-impersonate sa akin ‘yung magaganda,” tawanan ang lahat sa sinabi ni Krissy, “Kasi hindi ba maganda talaga (panoorin) kapag maganda (impersonator).

Ni-level up ni Angelica kasi pati damit di ba, carry niya? So ibigay na lang kay Angelica ‘yun,” pahayag ni Kris.

At kaya pala hindi na siya ginagaya ni John Lapus ay dahil pinatigil na niya ito, “Sinabi ko kay Sweet talaga, tantanan mo na ako, ha. Sinabi ko sa kanya, ‘Ako na lang magbabayad sa ‘yo, tigilan mo na ako!’”

Read more...