HOROSCOPE, MARCH 27, 2014 | Bandera

HOROSCOPE, MARCH 27, 2014

Madam Sophia - March 27, 2014 - 01:44 PM

Para sa may kaarawan ngayon: Kung sadyang sayo nakalaan ang magandang kapalaran, mapupunta sayo yon ng kusa! Wag masyadong pagurin ang sarili. Sa pag-ibig kusang iinit ang relasyon. Mapalad ang 3, 12, 27, 33, 35, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Minna-Om-Galla.” Red at pink ang buenas.  
 
Aries – (Marso 21-April 19)— Wag masyadong magtiwala sa sarili, dapat mo ring pakinggan ang mungkahi ng ibang tao. Sa pag-ibig, mas magiging okey ang inyong suyuan kung lagi mo tatanungin ang iyong kasuyo kung ano ba ang kanyang gusto? Mapalad ang 1, 13, 21, 31, 39 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Omne-Venit” Silver at maroon ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20)—         Kung aliwalas ang iyong kapaligiran lalo kang susuwertehin. Mag linis ng bahay at bukaran ngayong summer vacation. Sa pag-ibig yayain ang kasuyo na mag-Vistita Iglesia pagsapit ng Mahal na Araw. Mapalad ang 3, 6, 15, 24, 33, 40 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Om-Jana-Krisna-Rama.” Blue at lilac ang buenas.
 
Gemini – (May 21-June 21)—   Sa pakikisalamuha sa lipunan may malaking salaping kikitain. Sa pag-ibig, ngayong bakasyon kumbinsehin ang kasuyo na mag-negosyo kayo ng may kaugnayan sa tag-araw upang kapwa kayo magkapera.  Mapalad ang 1, 10, 17, 28, 38, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Mira-Om-Miraculum.”  Yellow at white ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22)—Hindi ka uunlad at yayaman kung mananatili kang nag-iisa kasosyong isinilang sa zodiac sign na Capricorn ang magpapayaman sayo. Sa pag-ibig okey din  ka-partner ang  isang Capricorn o kaya’y isang Scorpio. Mapalad ang 5, 14, 25, 34, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Minna-Om-Galla.” Green at lilac ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22)—  Magandang balita ang matatanggap! May mag-aalok ng pagkakakitaan – sunggaban agad. Sa pag-ibig, ngayon palang iplano na ang pagbabakasyon sa Ilocos o kaya’y sa Boracay. Mapalad ang 6, 9, 18, 27, 39, at 42. Mahiwagang mong mantra: “Vendurya-Tagata-Om.” Emerald green at pink ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22)—Wag ng ipabpabukas pa ang mga bagay na magagawa sa ngayon. Hawak mo ngayon ang kasalukuyan, ngayon ka na magsipag upang yumaman. Sa pag-ibig, puntahan ang kasuyo matampuhin  – dalan siya ng pagkaing lusaw, malamig at matamis.  Mapalad ang 5, 16, 23, 33, 41 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Yod-He-Vau-We.” Gray at blue ang buenas.

Libra – (September 23-October 23)— Kung may nagawang pagkakamali wag ng ulitin pa. Panahon ngayon ng pagbabagong buhay at pagpapakabuti. Sa pag-ibig, manatiling tapat sa kasuyong Aquarius. Mapalad ang 5, 16, 34, 39, 41, at 46. Mahiwaga mong mantra: “Jai-Guru-Deva-Om.” Beige at red ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21)—  Kung ayaw mong dayain ka ng iyong kasuyo, wag mo rin siyang lolokohin. Sa pinansyal, mas mabilis kang uunlad at yayaman kung magiging tapat sa sinomang ka-transaksyon at kausap.  Mapalad ang 4, 12, 24, 32, 34 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Veda-Om-Ratha.” Violet at  maroon ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21)—  Wag susuko sa mga problema. Isang Aries ang tutulong saiyo upang malusutan ang mabibigat na mga suliranin. Sa pag-ibig, may masarap na romansa dulot ang pakikipag-relasyon sa isang Libra.  Mapalad ang 2, 16, 25, 34, 42, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Kaleneha-Om-Mahata.”  Purple at violet ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19)—   Sa panahong ito ng tag-araw hindi ka dapat maging agresibo. Dahan-dahan lang sa pag-gastos, alalahanin mong mabilis maubos ang pera. Sa pag-ibig, wag pilitin ang kasuyo hayaan mong bumigay siya ng kusa. Mapalad ang 4, 8, 18, 23, 26, at 45. Mahiwaga mong mantra:  “Aum-Avayara-Om-Beeja.” Beige at black ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18)—  Ngayong summer vacation kusang ngingiti ang suwerte kung marunong kang magpatawad. Sa pag-ibig, kalimutan na ang maling nagawa ng kasuyo. Patawarin mo na rin young mga nangutang sa iyo na ayaw ng magbayad. Mapalad ang 5, 17, 23, 26,  31, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Kirata-Pukasa-Om.” Red at yellow ang buenas.

Pisces – (February 19 – March 20)—  May malaking halaga ng salapi na darating. Sa pag-ibig, tuloy ang isang romantiko  at masayang relasyon hatid ng kasuyong Scorpio. Mapalad ang 2, 16, 29, 33, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Pulkasa-Om-Kirata.” Maroon at yellow ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending