Anak ni Sherilyn Reyes artista na rin, ayaw nang makita ang amang bosing sa ABS-CBN


PUMASOK na rin sa showbiz ang panganay na anak ni Sherilyn Reyes na si Ryle Paolo o mas kilala namin sa nickname na Paoie. Anak ni Sheriyln si Paoie sa director at ngayo’y business unit head sa ABS-CBN na si Reilly “JunJun” Santiago.

Kasama si Paoie sa cast ng  Kapamilya soap na MiraBella na pinagbibidahan ni Julia Barretto. Napansin agad namin ang pagkaka-connect ni Paoie kay Julia.

Pamangkin ni Claudine Barretto si Julia at si Paoie naman kay Raymart Santiago na kapatid ni JunJun. Pero sabi ni Paoie hindi nga siya naging malapit sa pamilya ni JunJun kaya ‘di sila close kay Raymart at sa pamilya nito.

Although, nagkaroon na raw ng pagkakataon na nakapaglaro sila ni Julia noon.Parang kailan lang noong toddler pa lang itong si Paoie during the time na madalas pa naming kasama si Sherilyn.

We did not imagine na lumaki na pala siya. Ha-hahaha! Ilang taon pa lang noon si Paoie nu’ng maghiwalay at ma-annull ang kasal ng kanyang mga magulang.

And now, both happily married na sa kani-kanilang partners sina Sherilyn at JunJun.Knows naman sa showbiz na ang mister ngayon ni Sherilyn kung saan may mga anak na rin siya ay ang dating PBA player na si Chris Tan.

Dahil ilang taon lang noon si Paoie nu’ng maging sina Sherilyn at Chris kaya parang ang dating cager na rin ang kinalakihang ama ni bagets.

“Ilagay niyo po, mahal na mahal ko po si Chris Tan at si Sherilyn. Mahal na mahal ko po sila,” diin ni Paoie. Hindi kasi naging maganda ang paghihiwalay noon ng mga magulang ni Paoie.

Simula noon, hindi na nakita at nakasama ni Paoie si Junjun. In fairness, nu’ng nakausap din namin si Junjun sa presscon ng The Voice of the Philippines aminado naman siya na hindi nga niya nakikita ang kanyang anak kay Sherilyn.

Pero nagte-text naman daw sila and hoping si Junjun na makabawi for the lost time na makasama si Paoie. Sey naman ni Poie sa amin Facebook friends sila ng biological father niya.

But sad to say, naging malalim ang impact kay Paoie ng hindi nila pagkikita ng kanyang biological father. Malayo ang loob ni Paoie kay Junjun.

“Kasi he moved away, hindi ko na siya nakita. Pero bumalik pala siya, hindi naman ako comfortable na makipagkita, kasi matagal na rin kaming hindi nagkikita,” pahayag niya.

Aware naman si Paoie na executive sa Kapamilya network ang kanyang ama. Kaya hindi malayo ang possibility na magkita silang dalawa sa network, “Papansinin ko naman po.

Hindi naman po ako pinalaki na bastos ng parents ko. Although, I don’t feel comfortable seeing him again,” sabi pa ni Paoie.
Nanaig din talaga kay Paoie ang dugong-artista niya.

Pero ang Star Magic daw ang unang tumawag kina Sherilyn  para mag-audition si Paoie, “I sat down with my parents and talked about it. We decided to give it a chance, give it a try, and see where this gets me,” kwento ni Paoie.

Read more...