Nagkabati na si Zsa Zsa Padilla at ex-husband na na si Dr. Modesto Tatlonghari sa kasal ng unica hija nila na si Karylle kay Yael Yuzon. ‘Yun ay base na rin sa ipinost ni Zsa Zsa na picture nila ng kanyang ex-hubby.
Last Monday ipinost ni Zsa Zsa ang picture niya kasama si Karylle at si Dr. Tatlonghari na nilagyan niya ng caption, “We are an unconventional family. But these days, conventional can be a rarity.
These were precious moments taken before Karylle walked down the aisle and became Mrs. Yuzon,” saad nmg Divine Diva.
Nagpasalamat si Zsa Zsa sa Diyos na nangibabaw ang pag-ibig at nagkapatawaran sila ng kanyang ex-hubby.
Natanggal na raw ang “heavy burden” na matagal ng nasa puso niya and then declared na, “I can finally say that I am friends with my ex-husband.”
Dugtong pa ng caption ni Zsa Zsa, “As they say, everything happens in God’s time. I am grateful to God for the greatest gift he has bestowed upon us – our precious baby girl, Ana Karylle Padilla Tatlonghari-Yuzon.
I am overjoyed beyond words. God bless us all in our journey through life. May love, blessings and peace abound!” Imagine, six years old pa lang si Karylle nu’ng magkahiwalay sila pero 2011 na na-annull ang kasal nila?
During that time, matindi na ang karamdaman ng live-in partner noon ni Zsa Zsa na si Comedy King Dolphy. Kaya hindi na rin naganap ang minimithing wedding nila hanggang sa mamatay na si Pidol.
And now, natsitsismis na si Zsa Zsa na may bagong dini-date na guy. No wonder napaka-gorgeous niya when she attended the grand presscon of her new soap sa primetime ng ABS, ang Dyesebel.
Asawa ni Gabby Concepcion ang role ni Zsa Zsa at isa sa magiging kontrabida kay Anne Curtis. Ang balita kasi may boyfriend na si Zsa Zsa. Mayaman daw ang bagong karelasyon niya ngayon na Porsche ang gamit na car.
Pero ayon naman sa malapit na showbiz at publicist ng yumaong Comedy King na si Ate Nene Riego, may matagal na raw na kaibigan si Zsa Zsa na may Porsche car. Baka ‘yun daw ang nakitang kasama ng singer-actress.
Wala raw siyang alam tungkol dito. Feeling naman namin, magiging super happy din si Mang Dolphy kung totoong may bago nang mahal ang Divine Diva. At sure kami na lagi lang itong nakabantay sa kanyang lovey.