I AM Myca. I’m suffering from allergic rhinitis for 8 years now. My nose is always clogged and my head is aching. Sometimes with nausea. I really want to be cured from it. Would you please help me. –…1461
Hello Myca. Allergic Rhinitis is a relatively common ailment; almost all may have it, even more than once in their lifetime. It is the result of sensitivity of the nasal lining to irritants like dust and other particles. When the nasal congestion is severe, the paranasal sinuses can get filled with mucus and the mucosa thickens and pressure builds up inside the sinuses causing headaches, dizziness and even nausea. Cure is as good as avoidance of the causative or irritating substance, which you need to identify. You may benefit from decongestants like SINUTAB at bedtime or anti-allergy like CLARITIN at bedtime, drink lots of fluids and vitamin C. You may get a consultation with an ENT specialist to make sure that you don’t have a problem with your nasal airway like Septal Deviation.
Good morning po. Ako po si Lyn Babon from Pasig, 20 years old. Gusto ko lang pong malaman itong nararamdaman ko sa aking suso.
Minsan po kasi masakit yung mga gilid ng suso ko at may nakakapa akong bilog at masakit po pag pinipisil pero yung kabila ay walang problema. Ano po kaya ito? Salamat po and more power. — ….8427
Malamang ang bukol mo sa suso ay hindi kanser, “Fibroadenoma “ lang at hindi ka dapat mabahala dahil karaniwan nakikita ito sa mga ka-edad mo. Kadalasan, kapag masakit ang bukol, namamaga lang ito, malayong maging kanser. Obserbahan lang at magpa-check up taon-taon. Matuto ng “breast self-examination”, na gagawin kada buwan isang beses sa ikalawang lingo pagkatapos ng regla.
Analyn Ortega po ito, 32 gulang.taga Agusan. Magtatanong sana ako tungkol sa breast cancer, nabasa ko kasi sa Bandera pag pinipisil mo ang breast mo tapos may lumabas na likido may posibilidad na may breast cancer ka? — ….9288
Yes, may posilibilidad na may bukol sa loob ng “ducts”. Magpa-mammography at ultrasound. Maari ding ipa-eksamen sa laboratory ang fluid na lumalabas lalo na kung may dugo ito. Magandang gawin na ito nang mas maaga para masolusyunan kung may problema nga at para hindi ka na rin mangamba sa iyong kalagayan.
Good pm po doc Heal. Tanong ko lang po, mahilig po akong kumain ng frutas hilaw kagaya ng mango. Totoo po ba kapag mahilig ka sa frutas na maasim hindi ka raw magkaanak? Kasi doc gusto ko nang magkaroon ng anak. Salamat po. — Anabel ng Dumaguete City, 21, ….0065
Naku Anabel, hindi totoo ang narinig mo, walang kinalaman ang prutas sa “fertility” ng isang babae.
Si Althea, 28, ng Makati po ito. Doctor Heal, ano po ba ang epekto or totoo po ba na may healing effect and guyabano leaves? — ….1451
May mga pagsusuri sa ngayon tungkol sa epekto nito sa kanser nguni’t hindi pa ito napapatunayan. Sabay ding sinasabi na pampataas ng mababang resistensya o “immune system”. Wala namang masama kung inumin mo na parang tsa-a ito.