Bruno Mars saksi sa pagbebenta ng pirated album niya sa tiangge


Nakaka-bother ‘yung nakita naming photo sa isang website where singer Bruno Mars went to a tiangge and found his pirated album na ipinagbibili roon.

All smile pa si Bruno nang makunan ng photo, para bang unaffected siya nang makita niyang nagkalat ang pirated CDs niya. O baka nahiya lang siyang mag-react violently dahil hindi nga naman siya tagarito kahit may dugong Pinoy siya?

Siguro naman ay hindi nadismaya si Bruno sa kanyang nakita. Aware na rin naman siguro siya na meron talagang pirated DVDs and CDs ang mga celebrities na katulad niya.

But just the same nakakahiya pa rin sa international singer dahil mismong siya pa ang nakasaksi sa talamak pa ring pamimirata sa Pilipinas.

Bruno recently came here for a concert. Nag-donate pa nga siya ng $100,000 para sa young victims of Yolanda.

Read more...