Kung merong mga artistang walang kakuntentuhan sa industriya natin despite all the tinatamasang blessings and fame nila ay wala nang iba siguro kungdi ang mag-Best Friends na Vice Ganda and Kris Aquino.
Ha-hahaha! Kung si Vice ay hindi makapaghintay ng tamang panahon para umangat as an actor, si Kris naman ay gusto kanya nang lahat. Money, fame, men…nakakaloka sila. Walang katulad!
Lingid pa ba sa kaalaman ni Kris na pinagtatawanan siya ng sambayanan sa pagpipilit na iligaw ang status niya as a woman ngayon? After niyang mahiwalay kay James Yap ay ilang lalaki na ba ang pilit nilang idinidikit sa kaniya?
Obvious namang meron na talaga silang something ni Daniel Matsunaga, ang machong Brazilian guy na kinagigiliwan niya noon pa man. Hindi ba’t napabalita pa noon that they would meet up sa ibang bansa para hindi sila matsismis dito?
Kaya ang palaging kasama ni Kris sa mga biyahe niya ay ang mga taong bayaran niya o hawak niya sa leeg dahil pag meron daw mag-squeal sa kanila ay tsugi sa show.
Kaya matagal nilang naitawid diumano ang dates nila ni Daniel abroad without anyone knowing it. Siyempre kailangang-kailangang maingat din si Daniel sa sisteng ito – he has nothing to lose.
Puro kabig siya rito dahil kilala niyo naman kung gaano ka-generous si Kris sa mga lalaking inibig niya. Ano ba ang puhunan ni Daniel sa relasyong ito – ang maganda niyang mukha at magandang pangangatawan.
To die for kasi ang wan-kata ni Daniel kaya lokang-loka si Kris sa kaniya. Sa gitna ng isyu sa kanila ni Daniel ay nagpalutang ng ibang pangalan ng lalaki ang kampo ni Kris para ilihis ang isyu sa kanila ni Daniel na talaga diumanong karelasyon nito.
Merong ni-link siya kay Bataan Gov. Abet Garcia na for obvious reason ay hindi talaga puwedeng maging syota niya dahil iba ang trip ni Gov. Abet.
Heto naman ngayon si Q.C. Mayor Herbert Bautista na maaaring makakagamitan lang niya para sa sa nalalapit nilang political plans.
Merong kung sinu-sinong milyonaryong foreigners at matatanda kuno na nababaliw sa kaniya. Hasus garbanzos, tomato sauce! Nakakahilo na talaga si Kris sa mga pantasya niya sa buhay.
What a lonely lady indeed! Poor little rich kid. Wawa naman, di ba? Totoo nga ang sinasabi ng matatanda – a reminder sa bawat isa sa atin that “you cannot have it all”. You may be rich and popular pero me kulang naman sa buhay mo – somewhere.
And Kris knows what she wants na wala siya, is it something that she has to buy?