Mahirap na exams

Sulat mula kay Riza, ng Barangay Onica, Kidapawan City

Dear Sir Greenfield,

Wala na akong siglang mag-aral dahil patuloy na bumababa ang grades ko sa tourism. Parang pahirap nang pahirap ang bawat eksamen at nahihirapan ako sa history, lalo na ang mga petsa. Sa susunod na pasukan ay balak ko nang lumipat ng kurso. Natatakot tuloy ako na kapag lumipat na ako ng kurso at bumaba na naman ang grades ko ay baka huminto na lang ako sa pag-aaral. Anong kurso kaya ang maganda? Payuhan ninyo ako. Ayaw kong makatapos ng pag-aaral na wala ring mahahanap na trabaho. Susuwertehin kaya ako sa abroad? Ang birthday ko ay Mayo 25, 1995.

Umaasa, Riza, ng Barangay Onica, Kidapawan City

Solusyon/Analysis:

Palmistry:

Maganda at straight na straight naman ang Fate Line na tinatawag ding Career Line (Illustration 1-1 arrow 1., 2-2 arrow 2.) sa iyong palad. Ibig sabihin, anumang krisis o mga pagsubok ang dumating sa iyong buhay sa larangang career at edukasyon, siguradong malulusutan mong lahat iyan, basta magpakatatag ka lang, sigurado ang magaganap – sa bandang huli, maluwalhating makakatapos ka rin ng pag-aaral!

Cartomancy:

Six of Hearts, Queen of Clubs at Jack of Diamonds ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing sa tulong ng lalaking magiging boyfriend mo, magkakaroon ka ng inspirasyong mag-aral na mabuti. Magiging positibo naman ang resulta, dahil bukod sa love life na masaya, tulad ng nasabi na makakatapos ka ng pag-aaral at pagkatapos habambuhay na uunlad ang career mo at magiging maligaya.  Itutuloy

Read more...