Sam matutupad na ang pangarap na mapanood ang laban ni Pacman Bandera

Sam matutupad na ang pangarap na mapanood ang laban ni Pacman

Reggee Bonoan |March 24,2014
share this

Sam matutupad na ang pangarap na mapanood ang laban ni Pacman

Reggee Bonoan | March 24, 2014 - 03:00 AM


Fan pala si Sam Milby ni Peoples Champ, Manny Pacquiao kaya finally makakapanood na ang aktor sa laban nito kay Timothy Bradley sa Las Vegas, Nevada sa Abril 12 kasama ang manager niyang si Erickson Raymundo at business partner na si Dominic Hernandez.

“Fan na fan, noon pa gustong manood, ngayon lang mangyayari wala kasing show si Sam that time at naka-block off naman na so may time na manood ng Pacman,” say ni Erickson ng makatsikahan namin sa Cornerstone Office noong Biyernes ng gabi.

Bukod dito ay pupunta ng Hawaii sina Sam at Erickson para ikampanya ang pamangkin ni Mr. Johnny Manahan na si Joey Manahan na kakandidatong congressman sa US, makakasama nilang mangampanya si Piolo Pascual.

At pagbalik ni Sam ng Pilipinas ay balik-taping siya ng Dyesebel. Samantala,  nakapag-record at nakunan na ng music video ang Tony awardee na si Lea Salonga ng theme song ng Dyesebel na may titulong “Ang Tangi Kong Kailangan” na sinulat nina Francis at Carlo Concio noong Biyernes ng gabi na ayon mismo sa Dreamscape Entertainment publicist na si Eric John Salut ay first time ng international singer na kumanta ng theme song ng isang serye.

Dagdag pa winner na naman sa ratings game ang Dyesebel, noong Huwebes, Marso 20 ay nakakuha ito ng 33.1% habang 18.9 ang  kalaban nito sa kabilang network.

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending