Xian kay Kim: Hindi ako nanloloko ng babae!

Umapaw ang kilig ng "JaNdy" fans sa guesting kamakailan ng My Binondo Girl loveteam na sina Kim Chiu at Xian Lim sa morning talk show ni Kris Aquino na Kris TV. 
Sa nasabing episode, diretsong inamin ni Xian ang paghanga niya sa Kapamilya primetime princess.
 Aniya, “Alam niya lahat ng nararamdaman ko dahil very open ako sa kanya. ‘Yung kantang sinulat ko, para sa kanya talaga ‘yun. Gusto ko kasing malaman niya kung ano halaga niya sa akin.”
Bukod sa pag-amin, nagpahaging pa ang binata tungkol sa kung anong klaseng pag-ibig ang maihahandog niya sa leading lady, “Kaming mga Cancer, magaling magmahal, at very loyal. Hindi ako ‘yung tipo ng lalaking manloloko ng babaeng minamahal.
Kapag nagmahal ako kahit sa kaibigan, 100% na pag-ibig at respeto ang ibinibigay ko. 
At ‘yun ang intensyon ko kay Kim, parati niya akong maasahan,” pahayag pa ni Xian.
Tulad ng sa totoong buhay, posibilidad nang pagmamahal muli rin ang isyu ngayong linggo sa top-rating Primetime Bida teleserye na My Binondo Girl. 
Tutukan sa mga susunod na episode kung tuluyan nang makapag-move on si Andy (Xian) sa pagmamahal niya kay Jade (Kim) o mas paglalapitin pa ang kanilang mga puso. 
Mapapanood ang My Binondo Girl pagkatapos ng Ikaw ay Pag-ibig sa ABS-CBN.

Read more...