HOROSCOPE, MARCH 23, 2014 | Bandera

HOROSCOPE, MARCH 23, 2014

Madam Sophia - March 23, 2014 - 03:39 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Susuwertehin ka sa araw na ito kung magsusuot ng alahas na silver. Sa alahas na silver sasagana ang kinikita. Sa pag-ibig, ang silver na singsing kung laging susuutin ang magpainit ng nanlalamig na relasyon. Mapalad ang 5, 18, 23, 32, 39 at 45. Mahiwaga mong mantra:  “Visnu-Purana-Om.” Bukod sa silver buenas din ang red.
   
Aries – (Marso 21-April 19)      –  May malaking halaga ng salapi na darating. Matutong magtipid upang hindi agad maubos ang hawak na pera. Sa pag-ibig, panahon ngayon ng mga Aries, ibig sabihin anomang kilos ang iyong gawin may ligaya at masarap na romansang malalasap. Mapalad ang 5, 9, 23, 35, 45, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Om-Dosya-Om” Blue at red ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20)     – Magtiis hangga’t kaya pa! Ang ginagawang pagsasakripisyo sa ngayon ay may malaking gantimpala sa araw ng bukas. Sa pag-ibig, basta’t patuloy kang nagsisikap aayon din sa iyong kagustuhan ang kapalaran. Mapalad ang 7, 14, 22, 31, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Gorocha-Om-Sandapha.” Brown at gray ang buenas.
 
Gemini – (May 21-June 21) –      Huwag gumawa ng masama para lang yumaman. Hindi tamang diskarte ang mandaya. Sa pag-ibig, aanhin ang limpak-limpak na salapi kung kamumuhian ka naman ng iyong mga kamag-anak. Mapalad ang 1, 13, 26, 35, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Jeva-Om-Jhana-Om.” White at green ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22) –    Hindi dapat maging emosyonal. Tandaaan ang kasabihang: “Walang personalan, pera-pera lang!” Sa pag-ibig, wag seryosohin ang kasuyong Leo, paluluhain ka lang niya. Mapalad ang 2, 8, 19, 25, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Mohan-Aum-Karan.” Green at yellow ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22) –   Paikot-ikot lang ang kapalaran. Kung namumrobema man sa pera, masosulusyonan din yan sa susunod na mga araw. Sa pag-ibig, panatiliin ang pakikipag-relasyon sa maperang Sagittarius. Mapalad ang 6, 17, 27, 36, 39, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Kubera-Aum-Regama.” Red at lilac ang bueans

Virgo – (August 23 – September 22) –         Hindi dapat tumunganga at tanggapin na lang ang mga nangyayari. Kung hindi palalaguin ang salapi paano ka yayaman? Sa pag-ibig kung hindi lalambingin ang kasuyo hindi sasarap ang romansahan. Mapalad ang 1, 13, 26, 35, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Jeva-Om-Jhana-Om.” White at green ang buenas.

Libra – (September 23-October 23) –    Ituloy ang binabalak na paglalakbay. Sa malayong lugar mas madaling aangat ang kabuhayan. Sa pag-ibig, higit na masarap ang romansa sa kasuyong Virgo kung pansamantalang maglalayo muna kayo ng landas. Mapalad ang 2, 10, 29, 34, 39, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Om-Adonai-Om-Elohim.” Lilac at blue ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21) –   Wag munang bilangin ang itlog hanggang hindi napipisa. Kumilos lang ng kumilos, imbis na mag-kuwenta agad ng kita. Sa pag-ibig, hindi dapat hanapan ang kasuyo, dahil ikaw din naman ay maraming pagkukulang. Mapalad ang 8, 17, 26, 35, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Krisna-Krisna-Rama-Om.” Purple at yellow ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21) –   Sa pinansyal, wag mo intindihin ang mga naninira at umiintriga sayo, ang mas mahalaga, ituloy mo lang ang iyong ginagawa dahil unti-unti ka ng umuunlad. Sa pag-ibig, pagpasensyan ang pagigng makulit ng kasuyong Aries. Mapalad ang 3, 18, 22, 32, 35 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Sol-Dasa-Om.” Gold at orange ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19) –     Huwag makipag-landian sa iba, may babala ng pagtataksil. Sa pag-ibig manatiling tapat sa kasuyong Cancer. Sa panansiyal, dagdag gastos lang ang pagpasok sa isang relasyong bawal. Mapalad ang 6, 18, 27, 36, 40 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Harim-Haribol-Aum.” Pink at purple ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18) –   Unti-unti mo ng natatanggap ang mapait na nakaraan! Magpakalango sa tagumpay, i-blow-out ang sarili. Sa pag-ibig, wag mo ng intindihin yong mga taong hindi naman sayo nagmamahal. Mapalad ang 4, 15, 22, 35, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Yama-Soda-Vinda-Rama.” Red at orange ang buenas.

Pisces – (February 19 – March 20)  –     Maiibsan ang problema dahil sa isang kasama na tatangap ng malaking halaga maaangihan ka nya.  Sa pag-ibig, sulsulan ang  kasuyo na: “Magtipid-tipid ka naman upang umunlad ang ating buhay!”  Mapalad ang 1, 19, 28, 33, 37 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Nahmeh-Aum.” Orange at black ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending