Xian ibinasura na si Kim, naghahanap ng bagong dyowa

MARAMING fans ang na-turn off daw nang i-declare ni Xian Lim na he’s single and ready to mingle. Para sa fans kasi ng tambalang Xian and Kim Chiu ay open declaration ito na definitely ay out na si Kim sa personal na buhay ng chinitong actor.

Helllooooo! Kailan pa ba siya naging inside sa puso ni Kim. Ang lahat naman ng kanilang interview about their rumored romance ay pampakilig lang ng fans, pambobola lang to make people watch their movies and patronize their projects together. That’s all there is to it.

Malinaw naman kahit  sa past interview ng dalawa na there’s nothing romantic between them, everything is ETCHING! So, meron palang naniniwalang KimXi fans na posibleng magkatuluyan ang dalawa. Nakakatawa!

Kuwentong Xian pa rin, how true ang nabalitaan namin na marami raw hindi type na maging host muli ang binata sa isang forthcoming pageant?

Kasi naman, when he hosted that event in the past ay nagkalat siya. Nagtaray pa ito sa isang contestant. Hindi raw  bagay na maging host si Xian because reading is all what he did when he hosted the pageant.

Ano naman kaya ang reaction ni Xian dito? Naku, bakit ba lately ay panay nega ang publicities about Xian? Who’s out to ruin him?

Read more...