Julia Barretto walang manliligaw: Para kasing hindi na po uso ‘yun, e!

UMAAPAW ang star quality ni Julia Barretto na ila-launch na sa bagong fantaserye ng ABS-CBN  na Mira Bella. Lutang ang ganda niya habang pinagmamasadan ng entertainment writers sa press launch ng nasabing programa.

And during the presscon, ‘di talaga maiiwasan na ikumpara siya sa kanyang mga tiyahin na sina Gretchen Baerrto at Claudine Barretto.

Pero gaya ng sinabi ng isa sa tatlong directors ng Mira Bella na si Direk Jojo Saguin na she will never be like her titas and will have her own identity.

“Flattering,” kasunod ang pasasalamat ni Julia sa sinabi ng kanyang director. “Ah, me naman siguro that’s the goal, I’ll take a different path. Tapos, sana make a name for myself. ‘Yun lang.”

Kinabahan naman si Julia when asked kung paano niya gagawin na ma-deviate siya from her titas. “Ngeeee! I don’t know because right now I’m still figuring it out.

Pero sana habang tumatagal, ewan ko siguro kasi there’s so many differences naman between my aunts and I. I’m not sure how it’s, tama ‘yun. I’ll just be myself pero I’ll just figure it out na lang siguro kapag medyo matagal-tagal na,” pahayag ni Julia.

Diretso namang sinabi ni Julia na wala siyang kissing scene sa fantaserye with any of her leading men na sina Enrique Gil at Sam Concepcion.

“Ah, bawal pa po, kaka-17 ko lang po. Wala pa po akong kissing scene!” Natawa ulit si Julia when asked kung baka ‘pag 18 na siya pwede na siya sa kissing scene, “Cheeks lang daw sabi ni Direk Jojo.

Pero hindi pa natin alam kung ano ang project natin  pagdating ko ng 18. Ayoko po kasing magmadali, e. Siguro habang tweeny-tweeny pa ‘yung projects, doon muna ako kasi hindi na ako makakabalik kapag nagmadali ako,” diin ni Julia.

Bukod kay Julia, may iba pang members of the cast ang Mira Bella na may dugong artista rin. Gaya ni Mika dela Cruz na kapatid ni Angelika dela Cruz na gaganap bilang sister ni Julia, si Diego Loyzaga na anak nina Cesar Montano at Teresa Loyzaga and introducing naman ang panganay na anak nina Sherilyn Reyes at Junjun Santiago, kapatid ni Raymart Santiago, na si Reilly.

Nabanggit nga namin sa katabi naming manunulat na si Ador Saluta na what a coincidence dahil nasa cast ng Mira Bella ang pamangkin ng mag-ex husband and wife na sina Raymart at Claudine.

Nakatsikahan naman naming saglit ang writer ng Mira Bella na si Joel Mercado. Na-excite kami sa magiging takbo ng kwento na may pagka-“Frozen” na favorite animated movie namin.

Tulad ng ibang fairy tale, may lalabas na fairy godmother sa buhay ni MiraBella. Siya ang magbibigay ng ganda sa dalaga. Pero secret pa raw kung sino ang gaganap na fairy basta swak daw ‘yung character sa kwento ng buhay ni Mirabella kung bakit siya ang godmother sa serye.

Hmmmm….may kandila rin kayang sisindihan o may isusuot na blusa si Julia para siya gumanda? Well, let’s wait and see. Anyway, sa Lunes na magsisimula sa Primetime Bida ng ABS-CBN ang Mira Bella under pa rin ng Dreamscape Entertainment Television.

Tungkol naman sa pagbo-boyfriend, payo kay Julia ng kanyang parents, “As much as possible, huwag raw muna. Tama naman sila, enjoy lang. Wala pa akong love especially with my busy schedule.”

E, how about manliligaw, “Wala nga, actually parang hindi na uso yun, e.”

Read more...