Guro underemployed | Bandera

Guro underemployed

Joseph Greenfield - March 21, 2014 - 03:57 AM

Sulat mula kay Luvim ng Barangay Kahayagan, Pagadian City
Dear Sir Greenfield,
Nagtapos ako bilang guro at ang espesyalidad ay sa elementarya.  Malapit kasi ako sa mga bata at noon pa man ay pangarap ko nang maging guro kahit ang sabi nila ay maliit lang daw ang suweldo.  Hindi ko naman nagagamit ang aking pinag-aralan dahil ako’y contractual worker lang at hindi umaabot sa anim na buwan ang trabaho.  Nakaiinsulto na underemployment ang klasipikasyon ko kahit na ako’y may diploma.  Hindi nga lang ako nakapasa sa eksamen. Kailan kaya ako makahahanap ng matinong trabaho at mare-regular?  Nahihiya na ako sa mga magulang ko. May 25, 1992 ang birthday ko at wala pa ring boyfriend.  Kailan kaya ako magkaka-boyfriend at makapag-aasawa?
Umaasa,
Luvim ng Barangay Kahayagan, Pagadian City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
   Maganda naman at tuwid ang Fate Line na tinatawag ding Career Line (Illustration 1-1 arrow 1.) sa iyong palad. Ibig sabihin, kahit pasundot-sundot lang ang iyong trabaho o hindi regular, halos hindi ka naman nawawalan ng income. Gayunpaman, huwag kang mainip dahil hindi matatapos ang taon na ito ay magkakaroon ka na ng trabaho.
Cartomancy:
Jack of Hearts, Queen of Clubs at Nine of Hearts ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing sa tulong ng lalaking kasing edad mo ay mapapasok ka at mareregular ka sa isang kilalang kompanya na may kaugnayan sa pagkain.  Itutuloy

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending