HOROSCOPE, March 21, 2014

Para sa may kaarawan ngayon: Kusa nang magiging paborable ang sitwasyon ngunit patuloy paring magiging magulo ang isipan. Panahon na upang magnilay at mag-meditate upang lalo mo pang mapabuti ang iyong sarili at ang iyong kapalaran. Mapalad ang 3, 12, 23, 30, 33, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Sarva-Dushta-Om.” Blue at violet.   

Aries – (Marso 21-April 19)—Tapusing mabilis ang mga nakabinbing gawain upang kapag nakatapos ka agad ay maipatupad mo na na rin sa wakas ang iniisip na summer get-away sa Palawan. Sa pag-ibig, isama ang kasuyong Sagittarius sa pamamasyal. Mapalad ang 6, 15, 18, 22, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Chadra-Me-Om.” Red at purple ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)—Magandang ipatupad ang matinding disiplina ngayong nalalapit na ang Semana Santa. Regular na mag-exercise at dibdibang iwasan ang katakawan upang hindi ka tumaba. Sa muling pagpapa-sexy ay lalong iinit ang relasyon sa isang Virgo. Mapalad ang 3, 15, 24, 33, 45 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Namo-Aum-Nameh.” Red at blue ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)—Ngayong summer, mag-isip ng dagdag na pagkakakitaan. Magtinda ng halo-halo at iba’t-ibang uri ng pampalamig. Sa pag-ibig, laging mainit ang ulo ng kasuyo, yayain mo siyang mag-unwind sa tabing dagat. Mapalad ang 5, 14, 23, 31, 29 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Om-Pad-Me-Om”. Sky blue at gray ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)— Anuman ang mangyari, ang pamilya pa rin ang dapat na pahalagahan. Ngayong summer, paglaanan ng budget ang leisure activities sa isang lugar na noon mo pa gustong-gustong puntahan. Mapalad ang 1, 7, 25, 27, 39 at 42. Mahgiwaga mong mantra: “Babanam-Kebalam”. Green at black ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)—Makakaramdam ka ng isang malakas na puwersa. Gamitin ang iyong will power upang magkapera. Sa pag-ibig, lalong dadaloy ang malakas na enerhiya sa iyong pagkatao kung patuloy na pananaigin ang pag-ibig sa kasuyong Aries. Mapalad ang 4, 16, 20, 28, 34, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Umali-Om”. Gray at orange ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)—Tapusing mabilis ang anumang proyektong ginagawa upang lalo pang umigting ang tiwala sa sarili. Kapag buo ang tiwala  sa sarili, mas mabilis na lalago ang kabuhayan. Sa pag-ibig, bigyan ng mainit na romansa ang minamahal ngayong tag-araw. Mapalad ang 5, 8, 25, 35, 39 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Manik-Aum-Moti.” Silver at pink ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)—Habang pumapasok ang tag-araw, tuloy ang pag-angat ng kita. Ngayon pa lang ay paghandaan na ang family bonding sa malayong lugar. Sa pag-ibig, umiwas sa imoral na relasyon upang hindi mapahamak ang pamilya. Mapalad ang 6, 18, 27, 25, 36 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Gayatri-Gayatri-Om.” Lilac at yellow ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)—Hindi masosolusyunan ang problema sa init ng ulo at paninisi. Upang mabawasan ang pag-aalala, anuman ang bigat ng problema ay muling paalalahanan ang sarili: “Ito man ay lilipas din!” Mapalad ang 9, 18, 27, 33, 46 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Ravaye-Ravaye-Aum”. Maroon at purple ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)—Maging busy ang araw na ito. Anuman ang mangyari, huwag mong kalilimutan ang dalawang mahalagang bagay na dapat ipriority: ang pagpaparami at pagpapalago ng salapi at pangalawa, ang pag-ibig at pagiging buo ng inyong pamilya. Mapalad ang 6, 17, 19, 28, 37 art 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Savitri-Savitri-Aum.” Beige at red ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)—Hindi masama ang magtipid, pero dapat mo ring gastusin ang iyong pera upang maglibang. Makakaiwas sa mga karamdamang may kaugnayan sa psychological stress kung magtatampisaw sa gilid ng dagat habang kumakain ng mangga’t bagoong. Mapalad ang 4, 8, 22, 31, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Surya-Oma.” Blue at white ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)— Akala mo ay galante ka, pero hindi totoo. Nagiging mabait ka lang sa mga taong napapakinabangan mo. Ngayong Mahal na Araw, magbigay ka ng walang hinihintay na kapalit. Sa ganyang paraan ay lalo kang pagpapalain ni Lord. Mapalad ang 4, 13, 25, 34, 40- at 49. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Agni-Agni-Om.” Biege at lilac ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)— Ngayong summer, magnegosyo ng mga bagay na may kaugnayan sa tubig at yelo.  Ang halo-halo at samalamig ay maaaring isaalang-alang. Sa pag-ibig, dahil sobrang init ng panahon sa darating na weekend at yayain ang kasuyo na mag-swimming. Mapalad ang 7, 14, 23, 32, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Manu-Ketu-Manu-Om”. Silver at yellow ang buenas.

Read more...