HOROSCOPE March 20, 2014 | Bandera

HOROSCOPE March 20, 2014

Madam Sophia - March 20, 2014 - 01:30 PM

Para sa may kaarawan ngayon: Ang mahinang pagkatao ay masasawata kung laging makikisama sa mga may may birth date na 1, 10, 19, 28, 8, 17, 26, 9, 18, at 27. Sa pakikisalamuha sa kanila kusang mapapasaiyo ang  suwerte at ligaya.  Mapalad ang 9, 11, 27, 34, 35, at 46. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Namah-Om.” Beige at green ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19)—Hindi dapat tanggihan ang isang imbitasyon sa pag-aabroad. Pagkakataon mo na upang umunlad. Sa pag-ibig, pagpasensiyahan muna ang mga negatibong inuugali ng kasuyo, magbabago din siya pagsapit ng Abril, wala lang kasi kayong pera. Mapalad ang 3, 27, 30, 34, 41, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Kesar-Kapor-Om.” Blue at silver ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)—Matutong maghintay! Hindi dapat madaliin ang pagyaman. Sa inot-inot na pagsisinop  uunlad din ang pamilya. Sa pag-ibig, hintaying kalabitin ka ng iyong minamahal, iwasang ikaw na lang lagi ang nangangalabit. Mapalad ang 7, 17, 28, 34, 41 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Agiel-Yophiel-Om”. Pink at violet ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21)—Iwasang mainggit at wag mang-gaya. Higit kang uunlad at kikita ng maraming pera kung mapapalutang mo ang iyong pagiging unique. Sa pag-ibig, gamitan ng ibang istilo ng romansa ang kasuyo upang hindi na siya mabato. Mapalad ang 5, 18, 28, 33, 45, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Taph-Harath.” Red at gray ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)—Tubig ang mahiwaga mong elemento. Buwan naman ang suwerte mong planeta. Habang bumibilog ang buwan sa langit tuloy ang dating ng suwerte at magandang kapalaran. Sa pag-ibig, tuloy ang mainit na pakikipag-relasyon sa isang Capricorn. Mapalad ang 2, 11, 23, 29, 33, at 42. Mahiwaga mong mantra: “Abra-Ka-Dab-Bra.” Green at lilac ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)— Mababawasan ang stress at ang init ng ulo, kung yayain ang kasuyo na mag-swimming.  sa beach. Panahon na upang mag-unwind. Mapalad ang 3, 18, 27, 34, 40 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Om-Dhipana-Om-Bodhana.” Yellow at blue ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)— Lalong uunlad at darami ang pera, kung aalis ka muna sa iyong private zone. Sa pakikipagsapalaran, mas malaking tagumpay ang makakamit. Sa pag-ibig, wag mahiyang sumama sa kasuyo kung saanman nya nais pumunta. Mapalad ang 1, 10, 19, 28, 40 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Tara-Beha-Jovecal.” Yellow at white ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)—Panahon na upang displinahin ang sarili. Wag masyadong matakaw upang hindi ka tumaba. Panahon na upang isagawa ang pagpa-fasting. Sa pag-ibig at sa salapi, tuloy ang magandang kinikita kung mapapanatili mo ang iyong ka-seksihan. Mapalad ang 9, 18, 27, 33, 42 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Tatha-Yantra-Sakra.” Blue at lilac ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)— ‘Wag gamitan ng panlalamang ang pakikisalamuha sa kapwa, sa halip, sa mabuting pakikitungo  at pagiging tapat dalawang bagay ang iyong makakamit: “Maligayang relasyon at maraming pera.” Mapalad ang 4, 13, 24, 34, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Sahatsha-Sarva-Om.” Red at pink ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)  –   Full moon ngayon, ibig sabihin ma-i-in love ka naman sa maling nilalang. Iwasan ang mga taong punggok na matataba na sakang lumakad, ipapahamak ka lang nila. Sa pinansyal, umpisahan na ang negosyong may kaugnayan sa tag-araw, – halo-halo at ice cream. Mapalad ang 3, 9, 15, 24, 33, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Durate-Rebus-Om.” Pink at white ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)— ‘Wag magpa-apekto sa nangyayaring hindi maganda sa iyong kapaligiran. Ituloy mo lang ng ituloy ang iyong layunin.  Sa pag-ibig, wag ng mag-aya ng iba pang sasama sa binabalak na outing mas kokonti lang kayo mas tipid.  Mapalad ang 4, 13, 22, 31, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Secundus-Nulli-Secunda.” Black at purple ang buenas.
Aquarius –nggang kailan mo ba lolokohin ang iyong sarili? Dispatsahin na ang kasuyong walang kuwenta. Sa pinansyal, unti-unti mo ng mare-realize na wala din palang kuwenta ang pera kung wala sayong nagmamahal.  Mapalad ang 4, 8, 23, 32, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra:  “Visnu-Purana-Om.”  Blue at gray ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)—Anumang hamon ang dumating, makakasilip ka ng malikhaing solusyon sa iyong problema. Sa pera, kahit kinakapos, maabsuwelto karin sa tulong ng isang kaibigang Virgo. Sa pag-ibig, tag-araw na, yayain ang kasuyo na mag-swimming. Mapalad ang 7, 16, 25, 39, 40 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum-Aum.” Green at yellow ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending