Payo sa mga kulelat na nagtapos

NAILALATHALA sa mga pahayagan, kasama ang kanilang mga litrato, ang mga topnotchers ng bar at board exams.

Ang bar exams ay para sa abogasya.

Ang board exams naman ay para sa mga gustong ma-ging doctor, nurse, certified public accountant (CPA) at iba pang mga propesyon.

Yung mga pangalan ng 10 kadete na nagtapos with honors sa Philippine Military Academy (PMA) ay nilalathala kalakip din ang kanilang mga litrato.

Maganda ang kinabukasan ng mga bar at board topnotchers sa kanilang mga napiling propesyon.

Malaki ang tsansa ng mga bar topnotchers na mahirang na justice ng Supreme Court, na pa-ngarap ng bawat abogado.

Maliwanag din ang kinabukasan ng mga kasali sa Top Ten ng board exams para sa mga doctor, CPA, nurse at iba pang propesyon. Magiging prominente sila o kaya ay lalaki ang kanilang mga sahod pagdating ng araw.

Sa mga PMAyers naman, ang mga nasa top 10 ng kanilang klase ay malaki ang tsansa na maaabot ang ranggo ng heneral, o dili kaya ay chief of staff ng Armed Forces.

Ang pagiging topnotcher– kasama na ang pagtatapos sa isang ivy league school, gaya ng University of the Philippines, Ateneo at La Salle—ang ilan sa mga dahilan maging successful ang isang graduate sa kanyang piniling karera.

Pero ito naman ang maibibigay kong payo sa mga “pasang awa” o kulelat sa bar o board exams o kaya’y di nagtapos sa mga prominenteng kolehiyo: Ang inyong determinasyon na magtagumpay ang importante, hindi ang grado o eskuwela na pinanggalingan mo.

Ang mundo sa labas ng college o university campus ay ibang-iba. Yung mga may lakas ng loob na harapin ang mga pagsubok at ang desidido na matuto sa kanyang trabaho ang magiging dahilan ng iyong tagumpay.

Upang magtagumpay, unang-una, mahalin mo ang iyong trabaho.

Kapag mahal mo ang
iyong trabaho ay magsisipag ka at hindi mo iintindihin ang mga kahirapan na mahaharap mo sa iyong pini-ling career.

Pangalawa, kailangan marunong kang mag-adjust sa mga pagbabago na hindi mo kagustuhan o yung masakit sa iyong pagkatao.

Kailangang mataas ang iyong EQ o emotional quotient; in short, dapat ikaw ay maturity o gulang.

Kakaiba ang EQ o emotional intelligence sa intelligence quotient o IQ, ang sukatan ng mental intelligence.

Maraming mga intelihenteng tao na hindi naging successful sa kanilang career dahil mababa ang kanilang EQ.

Ibig sabihin, mas mahalaga ang emotional intelligence (EQ) kesa mental intelligence (IQ) upang ang tao ay magtagumpay.

Sina Miriam Defensor-Santiago at Juan Ponce Enrile, dalawang magkaaway, ay hindi bar topnotchers pero sila’y naging matagumpay na abogado at public servants.

Si Miriam ay naging judge, commissioner of immigration at senador.

Si Enrile naman ay naging customs commissioner, secretary of justice, secretary of finance, minister of national defense, senate president, at ngayon ay senador.

Si Rodolfo Biazon ay “goat” (nagtapos na kulelat) ng kanyang PMA Class 1961, pero maituturing na siya ang pinaka-successful sa lahat ng kanyang mga kaklase.

Si Biazon ay naging AFP chief of staff, senador at ngayon ay congressman ng Muntinlupa.

Defensor-Santiago, Enrile and Biazon have one thing in common: Umaapaw ang kanilang guts o tiwala sa sarili, ang taas ng kanilang EQ ay umaabot sa bubungan.

Sa isang pag-aaral sa Harvard, pinaghati-hati sa tatlong grupo ang mga nagtapos sa isang klase ng business management at minonitor ang kanilang naging kapalaran ilang taon matapos ang kanilang graduation.

Ang unang one-third of the class, ang mga pinakamautak, ay naging propesor at academicians.

The second group, o yung mga nakakuha ng second highest grades, ay naging chief operating officers (CEO) at chief operating officers (COO) sa mga kumpanya na kanilang pinagsisilbihan.

Alam ba ninyo ang kinahinatnan ng ikatlong grupo, yung mga kulelat sa klase?
Sila’y mga nagtatag ng kanilang mga kumpanya at naging presidente o chairman of the board ng kani-kanilang kumpanya.

Bakit yung mga miyembro ng pangatlong grupo ay may naging matagumpay kesa doon sa mga mas intelihenteng miyembro ng dalawang grupo?

Marahil ay sila’y may guts o malaki ang kumpiyansa sa sarili at naging risk-takers o nakipagsapalaran sa negosyo at sila’y nagtagumpay.

Read more...