Deniece kay Vhong: Hangga’t di ko siya nakikita sa kulungan, tuloy ang laban!


Matapang pa rin si Deniece Cornejo sa pagharap sa kasong rape na isinampa niya against Vhong Navarro. In an interview with Showbiz Police recently, she was asked if she’s ready to move on na rin like Vhong na bumalik na nga sa It’s Showtime.

But Deniece has this to say, “Hangga’t hindi ko pa po nakikita yung taong nagbaliktad sa akin, nagsamantala at nang-abuso sa akin, at nanira ng reputasyon ko na walang utang na loob, hindi pa po ako ganu’n ka-okay.

“Hangga’t hindi ko pa po siya nakikita sa kulungan,” she said. “Siguro, dati ang tawag ko sa kanya, ‘Kuya Vhong.’ Hindi lang yung tiwala yung nawala, pati yung respeto ko sa kanya bilang lalaki saka bilang tao.

“Ang Diyos, hindi natutulog. Alam Niya kung may ginawa kang kasalanan. Sana maisip mo ‘to, kasi dadalhin mo ‘to hanggang pagtanda mo. Hindi mananahimik ang konsensiya mo,” Deniece added.

Read more...