Zsa Zsa may bago nang dyowa: Super yaman pero babaero raw


Dati ay blind item lang pero kahapon ay napangalanan na si Zsa Zsa Padilla na diumano’y naka-move on na sa pagkamatay ni Tito Dolphy. Meron na raw itong bagong boyfriend ngayon at marami na ang nakakakita sa kanila.

Palagi pa raw  magka-holding hands sina Zsa Zsa at ang bagong guy who is an architect daw by profession. Super-rich daw ito – as in naka-Porsche. Bongga, di ba? At least, ang ipinalit niya kay late Tito Dolphy ay richie-richie rin.

And she deserves to be happy kaya wala tayong negative comments on this.”May chikang babaero daw ang lalaking iyon, how true? Baka mamaya lokohin lang niyan si Zsa Zsa, di kaya?

Huwag naman sana,” sabi ng isang source namin. Hindi naman siguro. Malay natin, halimbawa lang, just for sake of argument na babaero dati ang lalaking ito – malay natin kung napatino na siya ni Zsa Zsa.

May ganoong mga lalaki, di ba? May nahahanap na katapat. The fact na napapabalitang balak nilang magpakasal, ibig sabihin talagang seryoso na sila sa kanilang relasyon.

Read more...