Louise sa bashers: Pare-pareho lang tayong tao, nasasaktan din!


May comparison na nagaganap pala between ABS-CBN’s Dyesebel na pinagbibidahan ni Anne Curtis at ang dating Dyesebel ni Marian Rivera for GMA 7 noon.

Naikumpara ang pilot rating at malayo ang agwat ng dalawa, that’s according to a Facebook fan page account, ha!
Ang pilot episode ng Dyesebel  (GMA 7) ay nakakuha ng 44.9% habang ang kasalukuyang Mars Ravelo classic na gawa ng ABS-CBN ay 25.2% lang ang nakuha batay sa AGB.

Hindi pa rito natatapos ang comparison. Bagama’t nakaungos ang sirena serye ni Anne (25.2%) laban sa Kambal Sirena ni Louise delos Reyes (23.6%) ay kitang-kita na halos dikit ang ratings nila. What does it say?

Well, lumalaban ang underdog na sirena series ng Siyete. That’s all! Speaking of Louise delos Reyes, sobrang na-hurt pala ang dalaga sa natatanggap niyang pamba-bash sa mga fans ni Anne Curtis.

Sa social media dinala ni Louise ang kanyang sama ng loob. On her Instagram message which said, “Don’t give up just because of what someone said. Use that as motivation to push harder,” ito ang kanyang saloobin, “Sana matuto din tayong rumespetong mga tao na marangal namang nagtatrabaho.

Pare-pareho lang tayong tao, nasasaktan din kami.”

Read more...