Julia Barretto bawal pang makipaghalikan: 17 pa lang po ako!


Samantala, ipapakita nga nina Julia at Enrique sa primetime viewers ang tunay na kahulugan ng kagandahan at pag-ibig sa pagsisimula ngayong Lunes ng Mira Bella.

Iikot ang kwento sa buhay ni Mira (Julia), ang dalagitang nagmana ng sumpa na pagkakaroon ng balat na tulad ng isang kahoy. Sa kabila ng panghuhusga at pang-aalipusta sa kanya ng karamihan, naniniwala pa rin si Mira sa likas na kabutihan ng tao dahil sa ipinadarama sa kanyang pagmamahal ng mga umampon sa kanya na sina Osang (Pokwang) at Paeng (John Lapus).

Paano maipapakita ni Mira sa lahat na mas matimbang ang kagandahan ng kalooban kaysa sa panlabas na kaanyuan? Maranasan na kaya niya ang kanyang hinahangad na pagtanggap at pagmamahal sa pagdating ni Jeremy (Enrique) sa buhay niya?

Kasama rin sa cast ng Mira Bella sina Mylene Dizon, James Blanco, Liza Diño, DJ Durano, Mika dela Cruz, Arlene Muhlach, Alora Sasam at Gloria Diaz with Dimples Romana para sa kanyang natatanging pagganap.

Ang Mira Bella ay sa direksyon nina Erick Salud, Jojo Saguin at Jerome Pobocan at mula pa rin sa Dreamscape Entertainment Television, na siya ring lumikha sa mga phenomenal TV series na Walang Hanggan, Juan dela Cruzat Honesto.

Uy, siyanga pala, sa mga nagtatanong kung paano raw gaganda ang itsura ni Julia sa nasabing fantaserye, abangan n’yo na lang daw, pero ang ibinigay na clue ng mga taga-Dreamscape, may kinalaman daw ang isang puno at mga bulaklak nito sa pagganda ni Julia sa Mira Bella.

In fairness, sa trailer na napanood namin, may future ang tambalan nina Enrique at Julia, at sigurado kami na papatok din ito sa mga televiewers, lalo na sa mga bagets.

Read more...