76ers natalo ng 21 sunod


INDIANAPOLIS  — Umabot na sa franchise worst 21 games ang losing streak ng Philadelphia 76ers sa NBA. Ito ay matapos na muli silang matisod ng Indiana Pacers, 99-90, kahapon.

Pinakamalaking tinik sa lalamunan ng 76ers si Lance Stephenson na umiskor ng 25 puntos habang si Paul George ay nag-ambag ng 24 puntos para sa  Pacers.

Si Thaddeus Young ay may 23 puntos para sa Sixers. Ang longest losing streak in NBA history ay ginawa ng Cleveland Cavaliers na natalo ng 26 sunud-sunod noong 2010-11 season.

Rockets 124, Jazz 86  
Sa    Houston, umiskor ng 30 puntos si Terrence Jones para tulungang  biguin ng Rockets ang Jazz at putulin sa tatlo ang losing skid ng Houston.

Nanalo ang Rockets kahit na wala ang starting center na si Dwight Howard na nagtamo ng ankle strain injury.

( Photo credit to INS )

Read more...