Anne sa sampalan scandal: Akala ko katapusan ko na!


Akala pala ni Anne Curtis ay katapusan ng ng kanyang career nang masangkot siya sa slapping incident sa isang sosyal na bar months ago. “Akala ko wala na, end na ng career ko.

Akala ko wala na talaga akong career,” she admitted on the evening show of Boy Abunda at Kris Aquino. Mabuti na lang at nakabangon siya. Ang maganda sa nangyari, natuto ng kanyang leksyon ang dalaga.

“At least there is a lesson learned. At least, alam ko na kung anuman ang mali ang nagawa ko I said sorry. I apologized right away and now I’m moving on to be a better person.”

Muntik nang mag-give up si Anne dahil sa scandal. Mabuti na lang at nariyan ang family and friends niya na hindi siya pinabayaan.

“Kumapit ako sa mga taong nasa paligid who could be honest to me, who’d tell me the truth. Of course, Lord is the big factor kasi siya talaga ang nagbigay ng comfort because hindi mo talaga alam kung sino ba talaga ang totoo mong mga kaibigan unless your family is there.”

At aminado pala si Anne na “matanda” na siya para sa role ng sirena sa kanyang latest teleserye. In the past kasi ay nasa 21, 22 or 23 lamang ang mga aktres na gumanap sa iconic sirena role. She’s now 29.

“Actually, kahit naman ako nu’ng in-offer sa akin, tinanong ko, ‘hindi ba ako masyadong matanda?’ Ang isinagot naman sa akin, ‘Hindi naman’. Bagay pa rin daw.”

Read more...