Dyesebel ni Anne waging-wagi sa rating, trending worldwide


Now it can be told. Maraming nanood sa pilot episode ng Dyesebel noong Lunes dahil nakakuha ito ng 32% sa ratings game samantalang 17.9% naman ang kalaban nitong sirena serye rin sa kabilang istasyon.

Bukod dito, nag-trending din ang #DyesebelAngSimula sa buong Pilipinas at worldwide na umabot sa 17.3K tweets. Love story palang nina Dawn Zulueta at Albert Martinez ang ipinakita, trending na agad? E, di mas lalo na kung lalabas na sina Anne Curtis, Gerald Anderson at Sam Milby?

Sa back story ng Dyesebel ipinakita muna ang love story nina Albert at Dawn, na-love at first sight si Prinsipe Tino kay Lucia na una niyang nakita sa bangka kasama ang tatay nito (Bembol Roco).

Bago pa man nakita ni Albert si Dawn ay nagpaalam na ito sa kanyang amang hari na gusto niyang sitahin ang mga taga-lupa dahil sinisira ang kanilang karagatan bagay na hindi naman sinang-ayunan ng kababata niyang si Ms. Ai Ai delas Alas.

Nagkaroon ng malagim na aksidente ang mag-amang Dawn at Bembol dahil sa kagagawan ng grupo ni John Regala na gumagamit ng dinamita sa dagat para madaling makahuli ng isda.

At si Albert ang tumulong sa mag-ama para madala sa pampang, pero sa kasamaang palad ay binawian ng buhay ang tatay ni Dawn at dahil nagluluksa siya ay ang prinsipe ng mga sireno ang umaliw sa kanya hanggang nagkagustuhan sila.

Samantala, follow-up ito sa nasulat namin dito kahapon tungkol sa mga batang nagsiganap bilang sina Anne, Gerald at Sam na hindi raw binigyan pa ng pangalan.

Paliwanag ng head ng Dreamscape Entertainment na si Deo Endrinal, “Bibigyan naman ng release later this week, kay Anne muna sinentro ang promo.” Oo nga naman.

Read more...