CAGAYAN DE ORO CITY—Inaresto ng mga ahente ng National Bureau of Investigation kahapon ang hepe ng traffic police department dito dahil sa umano’y pa-ngongotong.
Ang inaresto ay si Senior Supt. Michael John Deloso, director Cagayan De Oro City Police Traffic division. Naaresto rin ang kasama ni Deloso si PO3 Ernesto Galleto.
Inaresto ang dalawa sa isang entrapment operation sa Philtown Hotel matapos ireklamo ng abogadong si Ernie Palanan, board member ng Xavier Heights Transport Operators and Drivers Association, ang paghingi umano ng opisyal ng monthly donation na P6,000.
Ayon naman kay Senior Supt. Graciano Mijares, hepe ng CDO Police, sasampahan na rin nila ng kasong administratibo ang dalawang pulis.
Tumanggi naman ang NBI na magbigay pa ng ibang detalye hinggil sa pagkakaaresto nina Deloso at Galleto
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.