HOROSCOPE, March 18, 2014

Para sa may kaarawan ngayon: Martes ngayon! Magsuot ng pula. Makikita mo, susuwertehin ka! Sa pinansiyal, kapag nakasuot ng pula, kusang  mahihigop ang maraming pera. Sa pag-ibig, kapag nakasuot ka ng pula lalo kang guguwapo o kaya’y lalo kang gaganda.  Mapalad ang 9, 18, 25, 24, 34 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Raga-Kashta-Raga-Om.”     
Aries – (Marso 21-April 19)—Sa pinansiyal, ngayon palang paglaanan na ang pagtanda, upang kapag sumapit ang panahong iyon wala kang pagsisihan. Sa pag-ibig, likas na pabago-bago ang damdamin, wag kang maniwala na may pang habang buhay na pag-ibig. Mapalad ang 6, 12, 23, 34, 41, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Nemo-Me-Impune-Om.” Red at blue ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)— ‘Wag masyadong isipin ang mga taong pinautang mo na hindi nagsipag bayad, magkakasakit ka lang – tutal malapit na ang Holy Week patawarin mo na lang sila at wag na uling pautangin. Mapalad ang 9, 17, 19, 24, 33, at 42. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Arjuna-Om.” Lilac at pink ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)— Paikot-ikot lang ang kapalaran. May suwerte, upang pagkatapos nito ay tag-alat naman. Sa ganitong katuturan ng buhay, mahalagang mag-ipon. Kapag marami kang savings, ikaw ang magiging panginoon ng iyong mga kapit bahay at mga kamag-anak. Mapalad ang 5, 14, 18, 27, 36, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Gosvami-Om.” Gray at blue ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)— ‘Wag isentro ang isipan sa masikip na sirkulo ng lipunan.  Maaari kang lumabas ng bahay at magpunta sa malayong lugar. Sa ganyang paraan, nilalawakan mo ang iyong mundo, magtatagumpay ka at higit na mas magiging maligaya. Mapalad ang 1, 19, 25, 31, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Jiva-Gosvami-Om.”  Green at violet ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)—Hindi mo alam kung bakit ka laging napapa-away? Mayabang ka kasi at ma-pride. Tularan mo ang dagat, mababa sa bundok, kaya laging napupuno ng tubig. Kapag nagpakumbaba ka, lalo kang sasagana at uunlad. Mapalad ang 3, 9, 13, 25, 34 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Credo-Untelligam-Om.”  Yellow  at white ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)— Salapi ang sikreto ng ligaya. Ibuhos ang lahat ng lakas at konsentrasyon sa mga bagay na pagkakaperahan. Sa pag-ibig, kung higit mong inuunawa ang  sitwasyon at ang damdamin ng iyong kasuyo, mas magiging payapa ang isipan. Mapalad ang 5, 8, 18, 27, 37, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Bis vivit qui bene vivit.” Gray at pink ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)— Makulay na kapaligiran ang magbibigay ng suwerte. Maghain sa hapag kainan ng mga prutas na may ibat-ibang kulay. Ang mga prutas na may ibat-ibang kulay ang magpapalakas ng iyong immune system at libido. Mapalad ang 3, 6, 26, 38, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Colors are the smiles of good fortune.” Red at gold ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)— Dasal, pagmumunimuni at katahimikan ang susi upang lumigaya.  Ngayong malapit na ang Holy Week piliting magkapaglaan ng oras sa malalim na meditation. Kapag nagawa mo yan, pagbubulaybulay, mas madali ka ng liligaya at magtatagumpay. Mapalad ang 4, 7, 23, 34, 41 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Per-Aspera-Ad-Meom” Green at brown ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) — ‘Wag masyadong “i-idolized” ang minamahal, kapag iniwan ka nya, ikaw din ang masasaktan. Bukod sa relasyon may iba pang dahilan ang buhay – pagiipon ng maraming pera! Mapalad ang 7, 16, 25, 34, 43, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Vid-Hunan-Vid-Hunan-Om.” Green at red ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)—   Sa negosyo, umpisahan ng mangalakal sa ibat-ibang lugar. Sa pag-ibig paghandaan ngayon palang ang summer vacation sa Palawan o kaya’y sa Boracay. Mapalad ang 5, 14, 27, 32, 41 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Nulli-Secundus-Aum.”  Silver at gray ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)—  Hindi mo ba napapansin, sa umpisa lang tama ang iyong ginagawa, pero sa bandang huli, luha lang at kabiguan ang napapala. Upang makamit ang inner peace at happiness, hindi ikaw ang dapat mag-pasya sa iyong buhay, kundi ang kasuyong Libra. Mapalad ang 1, 9, 28, 37, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Karaam-Aum”. Green at gold ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)—  Habang patuloy sa pagbilog ang buwan sa langit, tuloy-tuloy mo ring makakamit ang suwerte at magandang kapalaran. Ang mahalaga lamang – lagi kang lumabas ng bahay at magpa-sinag at mag-bilad sa liwanag ng buwan. Mapalad ang 7, 16, 24, 33, 40 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Amara-Ananda-Marga.” Lilac at purple ang buenas.

Read more...