Jake: Tumigil na ako sa panliligaw kay Jessy, pero…


INAMIN ni Jake Cuenca na tumigil na nga siya ng panliligaw kay Jessy Mendiola. Pero ipinagdiininan ng hunk actor na hindi pa rin nawawala ang pagmamahal niya sa Kapamilya actress hanggang ngayon.

Kamakailan, kinumpirma rin ni Jessy na huminto na ng pagporma sa kanya si Jake, pero hindi na nito idinetalye sa mga rason.
Sa isang interview, sinabi ni Jake na espesyal pa rin sa kanya si Jessy, pero, “Sa totoo lang sobrang busy ng schedule kaya pati sa sarili ko, wala na akong oras.

Kung tumigil man ang panliligaw ko sa kanya, di naman tumigil ang nararamdaman ko para sa kanya. “Okay naman kami, medyo busy ako sa ngayon so hindi kami nakapakapag-usap masyado, di kami nagkikita.

Kala ko makikita ko siya sa ASAP pero wala siya du’n,” chika ng isa sa mga bida ng bagong epic drama ng ABS-CBN na Ikaw Lamang.

Makikipagtagisan siya rito ng galing sa pagdadrama sa tatlo pang pambatong artista ng Dos – kina Kim Chiu, Julia Montes at sa Hari ng Teleserye na si Coco Martin.

Sa ilang eksenang napanood namin sa pagsisimula ng Ikaw Lamang, challenging talaga ang ibinigay na role ng Dreamscape Entertainment kay Jake bilang kontrabida sa buhay ni Coco na kaagaw nito sa pagmamahal kay Kim.

Walang isyu kay Jake kung support lang siya nina Coco  at Kim sa Ikaw Lamang, ito’y sa kabila nga ng ilang beses na niyang pagbibida sa mga teleserye ng ABS.

Sey ni Jake, walang maliit na role sa kanya, lahat ng proyektong ibinibigay sa kanya ng Dos ay pinahahalagahan niya, “At basta tumagos sa puso ko, nagustuhan ko ang isang role, di importante sa akin kung extra, kontrabida o bida ‘yan.

Basta sa akin nakaka-relate ako, naramdaman ko yung script, yung character, tatanggapin ko.”  At feeling niya, “Matsa-challenge ako rito, kaya tinanggap ko.

Tsaka matagal na kaming magkaibigan ni Coco at excited ako na magkatrabaho uli.” Dagdag pa ni Jake, bagong atake naman daw ang gagawin niya sa karakter niya sa nasabing serye, “Lagi naman e, ever since naman, ‘di ba?

Katulad ng sinabi ko lagi akong may bagong hinahain para sa mga nanonood sa akin. Obligasyon ko ‘yon para sa mga nanonood sa akin, sa mga katrabaho ko na laging iba-iba ang binibigay ko sa kanila.”

Read more...