Julia, Enrique target ng sindikato sa Internet


Grabe ang mga photos na lumalabas ngayon kina Julia Barretto at Enrique Gil.Merong kumakalat na photo ang isang Julia lookalike na kasama ang isang lalaki na halos yakapin at halikan siya.

Parang kuha sa party ang photo. At mukhang lasing ang girl.‘Yung isa namang photo, tila kuha rin sa party. This time si Enrique naman ang bida. The photo showed the young actor being kissed on the cheek by an unidentified guy.

Parang hindi naman si Julia ang nasa photo na aming nakita, parang peke. Pinalalabas lang na siya ’yon para siguro makalikha ng intriga, para palabasing isa siyang wild party animal.

Sa photo naman ni Enrique na merong kumi-kiss na guy, parang iniintriga na meron siyang gay lover. Pero malayong mangyari ‘yon dahil kung gay lover niya ‘yon ay bakit magpapakuha siya ng photo sa ganoong scenario?

We feel na male friend ni Enrique ang humalik sa kanya, nothing more, nothing less.May bagong soap sina Enrique at Julia at nakakaduda ang timing ng paglabas ng photo nila.

Meron sigurong gustong manira sa dalawa pero we feel na hindi sila magtatagumpay. Mamatay na lang sila sa inggit.

Read more...