Sulat mula kay Socorro ng Barangay San Miguel,
Iligan City
Dear Sir Greenfield,
Hindi ako nakapasa sa eksamen sa pagiging guro kaya marami ang aking binigo sa kanilang pangarap. Pangarap ng mga magulang at kapatid ko na maging ganap na guro ako dahil marangal na trabaho ito rito sa amin. Nang dahil sa kawalan ng trabaho at labis na kahirapan, nag-apply ako bilang DH sa Middle East, bagaman isang amiga ko na ang umuwing sawi at may sakit dahil inabuso siya ng amo niya. Hanggang ngayon ay wala akong trabaho dahil hinihintay ko pa rin ang tawag ng agency. Itatanong ko lang kung matutuloy kaya ako sa taon ito? Wala rin akong boyfriend kaya gusto ko ring malaman kung kailan ba ako magkaka-boyfriend? May 21, 1993 ang birthday ko.
Umaasa,
Socorro ng Barangay San Miguel, Iligan City
S
DH na lang
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...