Paulo desperado na, nagmamakaawa kay Lj Reyes


THERE seems to be a problem between ex-couple Paulo Avelino and LJ Reyes. The problem is that tila hindi ipinapakita ni LJ ang anak nila kay Paulo. Parang ipnagdadamot ng aktres ang kanilang anak sa actor.

Actually, hindi na sana malalaman ng publiko ang problema nila kung hindi lang nag-post ng message itong si Paulo sa Twitter, “Hey @OfficialLjReyes would you be kind enough to let me see my son.

I miss him. He needs a father,” came Paulo’s tweet. This was followed by another tweet in which he said, “I am desperate”.
“Yaya of Aki was crying and apologetic saying I couldn’t see my son and he won’t answer my calls anymore dahil pinagalitan siya ni Mam,” revealed Paulo on the said social media site.

A few weeks ago ay tila nagpalitan na patutsada ang dating magdyowa sa social media. On her Instagram photo, LJ posted this message, seemingly, a swipe at her ex-boyfriend: “Victoria Osteen says:

We teach people how to treat us.  In other words, when we don’t set clear boundaries, people will walk over you. Don’t be afraid to say ‘no’.

Hindi naging maganda ang paghihiwalay nina LJ at Paulo. They were not on speaking terms when they separated. Ano kaya ang dahilan kung bakit ayaw ipakita ni LJ ang anak niya sa binata? Remiss kaya si Paulo sa pagbibigay ng sustento kaya bilang ganti ay ayaw iotng ipakita ni LJ?

O baka naman nagseselos itong si LJ dahil balitang-balita na kahit nasa US si KC Concepcion ay nililigawan pa rin ito ni Paulo at tuloy pa rin ang communication nila? Which is which?

Baka naman napabayaan ni Paulo ang kanyang anak dahil sa kabisihan sa kanyang soap na nagtapos na. Higit yatang magiging busy si Paulo dahil meron kaagad na kapalit ang natapos niyang teleserye.

Read more...