Anne isa na sa pinakamayamang female celebrity sa Pinas

TILA huling fantaserye na ng ABS-CBN ang Dyesebel na magsisimula na sa primetime ngayong gabi. Paano kasi halos inubos na nila ang naglalakihang artista para suportahan si Anne Curtis bilang bagong Dyesebel.

Nandiyan ang Comedy Queen na si Ai Ai delas Alas, kasama rin sina Gabby Concepcion, ZsaZsa Padilla, Eula Valdez, Albert Martinez at Dawn Zulueta. Sayang nga at nag-backout si Richard Gomez para throwback na throwback na talaga ang casting.

Kaya dapat lang ma-overwhelm si Anne ‘di lang dahil siya ang bida kundi kinabog talaga nang bumuo ng bagong fantaserye sa Kapamilya network, ang Dreamscape Entertainment Television ang lahat ng remake ng Dyesebel.

Ang Dreamscape ang grupong lumikha ng top-rating fantaseryeng Aryana, ang phenomenal drama series na Walang Hanggan at hit superhero series na Juan dela Cruz.

At bukod sa nakakalulang cast ng Dyesebel, dalawa rin ang direktor nito na sina Don Cuaresma at Francis Pasion. In fairness, si Anne naman talaga ang pinakamagandang aktres na napili bilang Dyesebel.

At hindi lang pinakamaganda, ha, pinakamayaman din! True! Kasi sabi ng source namin ang yaman-yaman na daw talaga ngayon ni Anne.

E, bakit nga ba hindi siya yayaman, e, sa endorsements pa lang, inuulan na si Anne ng pera mula sa talent fee niya. Pangalawa, may noontime show siya na tumatakbo na ng four years.

Kasabay pa nito ang ginagawa niyang mga pelikula at iba pang programa sa ABS-CBN. O, ‘di ba ang yaman-yaman na talaga ni Anne? Kaya ang swerte-swerte ng mapapangasawa niya. Ewan lang kung si Erwan Heussaff na ‘yun, huh!

Sandamakmak naman ang abs at kaygugwapo ng mga leading men ni Anne Curtis na sina Sam Milby at Gerald Anderson sa Dyesebel.

Pero nu’ng minamasdan namin ang buong cast sa grand presscon nito, naku naman, hindi rin pahuhuli sa kakisigan si Gabby Concepcion.

Excuse me, 50 na si Gabo and yet pwedeng-pwede pa rin siyang itabi kina Sam at Gerald kung pagwapuhan rin lang ang labanan.
Abs ba kamo? Susme, napanood namin ang last movie ni Gabby with Andi Eigenmann, Cristine Reyes, Jake Cuenca and Alice Dixson kung saan nagpakita ng abs at nag-trunks pa ang daddy ni KC Concepcion.

Read more...