Andi nagmumukhang cheap sa kahahabol kay Jake Ejercito


Pagkatapos maging anak ni Zuma at makasama ng mga ahas, sirena naman ngayon ang nasa paligid ni Andi Eigenmann sa Dyesebel. Tila nalilinya talaga si Andi sa mga fantaserye.

And why not, mukha naman kasing prinsesa ng fairyland itong si Andi. ‘Yun nga lang after niyang magbida nang sunud-sunod sa mga teleserye ng ABS-CBN, e, support na lang siya kay Anne Curtis.

Wala naman daw problema kay Andi na maging support sa Dyesebel. Aminado naman siya na bigger star naman talaga sa kanya si Anne. At pwede talaga silang magkaroon ng project bilang mag-sisters, ‘di ba?

Ang danger lang niyan, after Dyesebel baka puro support na ang role na ibigay kay Andi. Ma-lost horizon na ang mga lead role sa kanya. Sa tingin din namin, hindi makakatulong kay Andi ang paulit-ulit na isyu sa kanila nu’ng Jake Ejercito.

Nagmumukha kasi siyang cheap sa paghabuol-habol sa anak ni Mayor Erap Estrada. E, hindi ba’t nag-away na sila noon at kung anu-ano na ang pinagsasabi niya kay Jake, and yet, siya pa itong nagsasabi na sila ulit kahit na dini-deny nu’ng guy.

Sana huwag na siyang magkamali sa lalaki. At hindi na mapangalawahan ang anak niyang si Eli. Kaya naiintindihan namin kung saan nanggagaling ang galit ng ina ni Andi na si Jaclyn Jose.

Isa pa ‘yan, hindi maganda ang tsika na inaaway niya ang kanyang ina. Dapat mag-isip-isip na si Andi hangga’t maaga. Hanggang bata pa siya, malaki pa ang chance niya na baguhin ang buhay niya.  ‘Yun lang.

Read more...