Driver ka rin ba? (Part 5)

ALAM mo ba na kapag nagpalit ng makina ang sasakyan, engine block o chassis at ang mga ito’y di

inirehistro, ang multa ay P5,000?
Ang sasakyan na mahuhuling di inirehistro ang ipinalit na makina, engine block o chassis ay

mai-impound at maire-release lamang kapag nairehistro na ang makina, engine block o chassis.
Ang di pagdadala ng sipi ng certificate of registration (CR) o official receipt of registration(or)

ay multa na P150.
Ang sasakyan na suspendido o binawi na ang CR o OR ay may multa na P1,000. Mai-impound din ang

behikulo at masususpinde ang plaka. Kapag nabayaran na ang multa, maaari pa ring masuspinde ang

operasyon ng sasakyan ng dalawang taon, depende sa pataw ng LTO.
Kaibigang kapwa driver, marami pa kaming tip para sa iyo. Sundan bukas. Hasta la vista.

Lito Bautista, Executive Editor – BANDERA
September 11, 2009

Read more...