Magreretiro na pero may utang pa sa SSS

DEAR madam:

Sa April 9, 2014 po ako magreretiro, sad to say meron akong loan na P24,000 last 2006 at umabot na ng P65,000 sa taon ngayon. Nakakalungkot dahil napakalaki ng interest na ibinigay ng SSS sa 8 years.
Nawalan kasi ako ng trabaho dahil sa problema sa kalusugan noon. Halos wala na akong makukuha sa 19 years kong pagiging miyembro ng SSS. Ask ko lang kung wala ba tayong condonation sa buwan na ito?
Maraming salamat. Dolores Sison
Cebu City

REPLY: Ito ay bilang tugon sa katanungan ni Bb. Dolores Sison ukol sa condonation program para sa salary loans.

Nais po naming ipabatid kay Bb. Sison na wala pong umiiral na condonation program ang SSS sa ngayon. Kung hindi mababayaran ang balanse ng kanyang loan bago ang pagpa-file niya ng kanyang application para sa retirement, ang buong halaga ng loan ay ibabawas sa kanyang pension.
Dahil dito, maaaring magkaroon ng panahon na hindi muna siya makatatanggap ng kanyang buwanang pension dahil gagamitin muna ito para sa pagbabayad ng kanyang loan.

Naiintindihan namin na hindi nakabayad si Bb. Sison sa panahon na siya ay nawalan ng trabaho, pero nais po naming linawin na nakasaad sa rules ng salary loan ng SSS na ang loan ay mapapatawan ng 1 percent na penalty buwan buwan sa tuwing mahuhuli sa pagbabayad nito at ang interest ay madadagdagan din kapag hindi natin nabayaran ang loan sa loob ng dalawang taon.

Sana po ay nabigyan namin ng linaw ang katanungan ni Bb Sison.
Salamat po sa inyong patuloy na pagtitiwala
Sumasainyo,
MAY ROSE DL FRANCISCO
Social Security
Officer IV
SSS Media Affairs

Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapag- lingkuran sa abot ng aming makakaya.
Kaya naman huwag kayong mag-atubiling sumulat sa Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City.
Maaari rin kayong mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@gmail.com Serbisyo publiko sa AKSYON LINE. Kakampi mo! Maaasahan!

 

Read more...