Dennis pinagpawisan nang malagkit nang biglang yayain ni Ai Ai ng ‘SEX’


PINAGPAWISAN si Dennis Trillo sa stage kasama ang iba pang mga aktor na ginawaran ng Dekada Award sa ika-30 Star Awards for Movies ng Philippine Movie Press Club sa Solaire Resort and Casino recently.

Bukod kay Dennis, pinarangalan din sina Aga Muhlach, Jericho Rosales, John Lloyd Cruz, Baron Geisler at Piolo Pascual.
“Oo nga, e. Nandu’n sina Aga Muhlach, si Piolo Pascual.

Nakaka-starstruck pa rin and actually, marami akong nakalimutan sa speech ko,” bungad ni Dennis. Dagdag pa niya, “Actually, marami akong hindi napasalamatan sa speech ko dahil ano, e, talagang kinakabahan ako, e.

Pawis na pawis nga ako doon sa stage. Pero ang sarap ng pakiramdam na napansin nila ‘yung mga trabaho naming artista lalo na sa loob ng sampung taon.”

Isa raw sa nakalimutan niya ay ang Regal Films matriarch na si Mother Lily Monteverde, “Syempre, Regal Films, napaka-importante. Halos lahat ng pelikula ko sila ang nag-produce, pinagkatiwala nila sa akin ‘yung, hindi ko na alam kung ilang pelikula ang nagawa ko sa kanila.

Pero masarap sa pakiramdam na nagtitiwala sila sa ‘yo, and talagang naniniwala sa kaya mong ipakita at i-exhibit na talent.”
Pero ang isa pa raw na dahilan kaya siya pinagpawisan sa stage ay nu’ng sabihin ng Comedy Queen na si Ai Ai delas Alas na siya ang bago nitong inspirasyon.

“Oo nga, e,” nakangiting sabi ni Dennis. “Hindi, magkatabi kasi kami sa upuan. Nagkukwentuhan lang kami sa upuan dahil medyo mahaba ‘yung program, e, kaming dalawa lang ang magkausap doon.”

Kung anu-ano lang daw ang pinagkwentuhan nila ni Ai Ai and this is the first time na nakachikahan niya ang Comedy Queen.
“Kahit na mahaba ‘yung program hindi ako nabagot kasi marami siyang kinukwento.

Masayahin siyang tao, e, kaya nakakatuwa.”So, tanggap naman kaya ni Dennis na siya na nga ang bagong inspirasyon ni Ai Ai? “Ah, hindi ko alam kung ano ang pakiramdam doon pero nakakatuwa na alam mo ‘yung nabanggit pa niya ‘yun doon sa speech niya.

Hindi ko inaasahan kaya medyo parang awkward lang ang pakiramdam pero okey lang naman.” Looking forward naman si Dennis na makatrabaho si Ai Ai, “Of course,” sabi pa niya.

“Si Ms. Ai Ai nakailang Star Awards na ‘yan, naka-ilang Best Actress na siya, so, sana makatrabaho ko siya one of these days.”
Hindi naman nakapagsalita si Dennis nu’ng tinanong namin siya kung yayayain ba niya na makipag-date sa kanya si Ai Ai.

Read more...