HOROSCOPE, March 15, 2014

Para sa may kaarawan ngayon: Wag hayaang maapektuhan ka ng problema ng ibang tao lalo na sa pag-ibig. Ang awa at concern ay hindi mo dapat gamitin sa ngayon, mas dapat iprayoridad ang mga bagay na may kaugnayan sa salapi.  Mapalad ang 4, 9, 18, 27, 35, at 48 ang buenas. Mahiwaga mong manrta: “Yod-He Vau-Weh.” Red at bule ang buenas.
 
   
Aries – (Marso 21-April 19) –  Umupo sa isang sulok na malapit sa nature. Bulaybulayin ang gagawin mong pagbabago, upang mas lalong umunlad at lumigaya. Ang unang tanggalin ay ang iyong ego, pride at kayabangan. Sa ganyang paraan, magtatagumpay ka na. Mapalad ang 6, 18, 23, 32, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Abra-Ka-Dab-Bra” Violet at pink ang buenas,

Taurus – (April 20-May 20) – Kumpletuhin mo ang misyon mo sa mundo. Ang magluto ng isang napakasarap na menu at pagkatapos ay ipakain sa iyong mga mahal sa buhay. Sa simpleng kabutihang nabanggit, mawawala ang iyong problema at mas magiging maligaya. Mapalad ang 7, 18, 24, 33, 38 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Anilam-Om-Artam” Lilac at green ang buenas.

 Gemini – (May 21-June 21) –   Maraming dadamay sayo sa araw na ito, kaya maiibsan ng malaki ang iyong mga dinadalang suliranin. Para mapanatili ang mga kaibigan, gayon din ang yong mga mahal sa buhay, wag mo silang uutangan.  Mapalad ang 5, 11, 15, 33, 39, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Om-Anilam-Aum-Bastan.” Gray at beige ang buenas.

 Cancer – (June 22- July 22) –    Tulad ng isang seaman, makipagsapalaran ka upang mabago ang kapalaran. Wag matakot pumalaot sa malayong lugar upang umunlad. Sa pag-ibig, kung lagi kang magsusumiksik sa iyong kasuyo, walang mangyayari sa inyong buhay. Mapalad ang 4, 7, 28, 33, 37 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Kurvan-Adhenam-Om.” Green at white  ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22) –    Hindi na uso ang plastic ngayon! Magpakatotoo ka sa iyong sarili at sa iyong mga ginagawa.  Sa ganyang paraan, mas uunlad ka at mas magiging maligaya. Mapalad ang 1, 10, 22, 34, 42, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Kaleneha-Om-Mahata.” Orange at lilac ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22) –  Magbagong buhay ka na ngayon! Hanapin ang mas masayang pag-ibig na hatid ng isang Libra. Sa panalapi, hindi mo mapapabilib ang mga tao sa iyong mabilis na pagsasalita. Baguhin ang istilo, bilisan naman ang pagta-trabaho. Mapalad ang 5, 18, 22, 28, 31, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Pulkasa-Om-Kirata.” Beige at silver ang buenas.

Libra – (September 23-October 23) –    Kahit na tanggihan ka ng iyong kapwa, hindi ka dapat tumigil. Kulitin mo sila ng kulitin. Sa pagiging makulit, uunlad ka at mas magiging maligaya. Mapalad ang 6, 9, 19, 35, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Shati-Pad-Me-Om.” Red at pink  ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21) –    Mamaliitin ka na naman ng mga kasamahan mo, wag silang pansinin, sa halip lalo mo pang pagbutihin ang iyong pagta-trabaho. Makakaahon karin at makikita nila, darating ang panahon, isa kang matagumpay at mayamang nilalang basta’t lagi ka lang magsuot ng kulay na pula. Mapalad ang 6, 9, 21, 32, 41, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Regama-Om.”

Sagittarius – (November 22 – December 21) –     Lulutang ang iyong animal instinct sa araw na ito. Siguradihing magagamit mo ang animal instinct na ito, upang magkapera at kumita ng malaking halaga. Sa pag-ibig ang animal instinct mong ito ay magagamit  sa isang masarap na romansa. Mapalad ang 6, 9, 23, 32, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Abra-Ka-Dab-Bra” Red at blue ang buenas,

Capricorn – (December 22 – January 19) –   Ipagpatuloy ang pagiging makasarili, yan talaga ang paraan upang yumaman. Kapag maraming-marami ka ng pera, kusa ka na ring liligaya sa larangan ng pag-ibig at pakikipag-relasyon. Mapalad ang 8, 18, 24, 33, 38 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Anilam-Om-Artam” Orange at yellow ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18) –   Kung gusto mo talagang magtagumpay at lumigaya, anoman ang iyong ginagawa, wag  kaladkarin ang iba para samahan ka. Gawing mag-isa at may kalayaan ang anomang naiisip na bagay. Sa ganyang paraan, magtatagumpay ka. Mapalad ang 4, 13, 27, 35, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Om-Mandala-Aum.” Brown at magenta ang buenas.

Pisces – (February 19 – March 20) –   Ang iba’t- ibang bahagi ng iyong pagkatao ay dapat gumana. Gamitin ang iyong pang-ispiritualidad na kapangyarihan. Manalangin at mag-medetasyon sa loob ng 9 na araw. Sa ganyang paraan, mas madali mong makakamit  ang iyong mga pangarap sa buhay. Mahiwaga mong mantra: “Om-Agne-Aum-Manu.” Silver at violet ang buenas.

Read more...