Gerald kay Anne: Napakaganda niya, sobrang Sexy!

GAGAMPANAN ni Gerald Anderson ang karakter na Fredo, isang tagalupa na love interest ni Dyesebel na gagampanan naman ni Anne Curtis. Magsisimula na ito sa Lunes, mula sa direksyon nina Don Cuaresma at Francis Pasion para sa Dreamscape Entertainment.

Magiging karibal ni Gerald si Sam Milby bilang si Liro na kalahi ni Dyesebel kaya sabi ng lahat, ang suwerte naman ni Anne dahil parehong guwapo ang leading man niya.

Sa Dyesebel unang magkakatrabaho sina Gerald at Anne kaya ang tanong sa aktor kung ano ang masasabi niya sa  kanyang leading lady. “Very exciting. Ito yung first time kong makasama si Anne.

It’s one of the reasons kung bakit ko rin ito tinanggap and it’s gonna be a very exciting tandem para po sa lahat,”  sagot ng binata.
Mukhang may intriga agad ang tanong kay Gerald na kung ano ang masasabi niya kapag naka-Dyesebel costume si Anne,

“Siyempre, it’s obvious na she’s very beautiful, very sexy, of course. Pero pag nasa taping po kami, mas nagbabantay po ako, e, kasi mabigat po yung buntot niya,” anang aktor.

Hindi itinanggi ni Gerald na hanga siya sa aktres dahil, “professional. Sobrang mahal na mahal niya ang trabaho niya. And kung physically, she’s a very beautiful girl.”

At sa mga sinabing ito ng aktor ay hindi kaya maging dahilan ito para pagmulan ng away nila ng girlfriend niyang si Maja Salvador? “A, wala naman, hindi naman.

Alam naman niya it’s all work, e,” mabilis na sagot ng binata. Sa katunayan ay suportado ni Maja ang boyfriend sa bago nitong TV project. Itinanggi rin ng binata na hindi boto ang nanay niya kay Maja, “No, of course not.

Yung nanay ko, siguro alam ng lahat na ganun talaga siya. She’s a very strong woman, napaka-strong niya, at ganun talaga siya magsalita. Pero hindi naman siya nakikialam.”

Samantala, kasama rin sa Dyesebel sina Albert Martinez, Dawn Zulueta, Zsa Zsa Padilla, Eula Valdez, Bodie Cruz, Markki Stroem, Erin Ocampo, David Chua, Neil Coleta, Young JV, Bangs Garcia, Nico Antonio, katotong Ogie Diaz at Andi Eigenmann na mapapanood na sa Marso 17 kapalit ng Honesto.

Read more...