SINIBAK ni PNP Chief Alan Purisima at inilipat sa Cebu ang hepe ng Task Force Tugis na umaresto sa real estate magnate na si Delfin Lee noong isang linggo.
Hindi naitago ang matinding pagkadismaya ni Senior Supt. Conrad Capa, nang ibaba sa kanya ang relief at transfer order sa kanya ni Purisima.
“What’s my reaction? I’m mad. After I arrested Delfin Lee, they just dumped me,” ayon kay Capa sa panayam sa Inquirer, sister publication ng Bandera.
“I’m very angry. I’m very frustrated. You can quote me on that. I will not take this sitting down,” ang nakataas na boses na sabi ni Capa.Binuo ang TF Tugis noong Agosto 2012 na siyang hahabol sa “Big 5” na high-profile na wanted ng batas gaya ni Lee.
Kahapon ng umaga, tila hugas-kamay na nagpaliwanag si Purisima sa ginawa nitong pagsibak kay Capa mula sa TF Tugis.
Ayon sa kanya ang paglipat kay Capa bilang deputy regional chief for operations ng Cebu regional police office ay isang “reward”.
“His relief is a promotion. He can’t be promoted to chief superintendent so he has to be transferred,” ayon kay Purusima nang kapanayamin ng mga reporter.
“This is actually a reward, a stepping stone to promotion,” paliwanag pa ng hep eng PNP. Sagot naman ni Capa: “This is not a promotion, remember that. What he said is actually misleading. Hindi ako mapo-promote dun.
Mabubulok muna ako bago ma-promote.” Una nang kumalat ang balita na may personalidad na gustong umarbor kay Lee nang maaresto ito sa Makati.
Ang sinasabing pag-arbor ay kasalukuyan umanong iniimbestigahan na ng Department of Interior and Local Government.
( Photo credit to INS )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.