MAGIGING mahalaga ang mga jabs ni Manny Pacquiao para makuha ang hanap na kumbinsidong panalo sa rematch nila ni World Boxing Organization welterweight champion Timothy Bradley sa Abril 12 sa MGM Grand Arena sa Las Vegas, Nevada, USA.
Kaya sa ginagawang pagsasanay sa Wild Card gym sa ilalim ni trainer Freddie Roach, pinaiigting nila ni Pacquiao ang kanyang mga jabs at pagpapagawa ng sunud-sunod at mabibilis na jabs.
“I told Manny the other day, Manny you have the best jab in the world and it drives me crazy that you don’t use it,” wika ni Roach sa panayam ng Yahoo! Sports.
“He can knock guys out with his jab. It’s fast, hard and quick and I’ve been telling him he needs to use it more. In sparring, I’ve been getting him to double, triple and even throw four at a time It sets up his left hand well,” dagdag nito.
Sang-ayon si Pacquiao na makakatulong ng malaki ang jabs niya para makabawi kay Bradley na naunang humirit ng kontrobersyal na split decision pagkatalo noong Hunyo 2012.
“This time, the focus is on using the jab. It’s correct to use the jab for this fight,” wika ni Pacman.
Isang knockout na panalo ang nais na maitala ng Pambansang Kamao para maipakita na tunay na natsambahan lamang siya ni Bradley sa unang pagtutuos.
Kung maisagawa nga ni Pacquiao ang kanyang plano ay hindi rin malayong matuloy na ang pinakasasabikang pagtutuos nila ng pound-for-pound king na si Floyd Mayweather Jr.
“The focus this time is on aggressiveness,” ani pa ng Kongresista ng Sarangani Province.
“I don’t think he’s going to try to go toe-to-toe with me but I have to be more aggressive than I had been.”
Sa unang araw ng pagsasanay sa US ay naipakita ni Pacquiao ang kanyang magandang kondisyon nang paduguin ang ilong ng isa sa dalawa niyang sparmates.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.