May magmamahal pa? (2)

 

Sulat mula kay Nila  ng Pastrana, Leyte

Dear Sir Greenfield,
1.      Kabit lang ako at huli na ng nabisto ito ng madadaldal na mga kapitbahay ko.  Sinasariwa ko na lamang ang masasayang sandali namin nang umuuwi pa ang lover ko.  Hanggang sa dalawang beses na lang sa isang linggo siya kung umuwi.  Hanggang sa hindi na siya umuuwi.
2.    Okey lang sana kung ayaw na niya, pero wala naman siyang ipinadadalang pera kaya nalilipasan na kami ng gutom.  Nahihiya akong humingi ng pagkain sa mga kapitbahay.  Hindi na siya nagte-text at tumatawag sa cell phone.  Handa na akong tanggapin ang katotohanan na iniwan na niya ako.  Sa edad kong ito ay may magmamahal kaya sa akin nang tunay?  Huwag na ninyong ilathala ang birthday ko.
Umaasa,
Nila ng Pastrana, Leyte
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Virgo (Illustration 2.) ang nagsasabing tuluyan ka na ngang iiwanan ng ka live-in mo, subalit sa ikalawang pag-aasawa, isang binata na mas mayaman sa kasalukuyan mong kinakasama ang iyong mapapangasawa na nagtataglay ng zodiac sign na Libra.
Numerology:
Ang birth date mo ay nagsasabing kapag muli kang nakapag-asawa, mamumuhay ka na ng sagana at maligaya. Ang lalaking ikalawang mapapangasawa mo ay taga-ibang bansa, kung saan, isasama ka nya sa abroad.
Luscher Color Test:
Kapag muli kang nakapag-asawa at nasa abroad ka na ugaliing gumamit at magsuot ng kulay na dilaw at berde upang tuluy-tuloy na bumuti at gumanda ang iyong kapalaran.
Huling payo at paalala:
Nila, ayon sa iyong kapalaran, okey lang na iwanan ka ng kasalukuyan mong kinakasama dahil may asawa na pala siya at sariling pamilya. Ang totoo higit na mas magiging maganda ang iyong tadhana sa inyong paghihiwalay, dahil sa susunod na taon, isang lalaking foreigner na isinilang sa zodiac sign na Libra ang iyong makikilala, magiging kaibigan mo siya, hanggang sa tuluyang mapangasawa at sa sandaling mag-asawa na kayo, isasama ka nya sa ibang bansa, upang sa malayong lugar doon na manirahan at habambuhay na lumigaya.

Read more...