Patafa coaches pinagbibitiw ni GTK


PINAGSUMITE ni Philippine Amateur Track and Field Association (Patafa) president Go Teng Kok ang lahat ng kanyang coaching staff ng kanilang courtesy resignation upang mabigyan daan ang paglilinis na gagawin niya sa asosasyon.

Nasa 14 ang kabuuang bilang ng coaches ng Patafa kasama na rito sina Joseph Sy at Rosalinda Hamero na inalisan ng sahod ng Philippine Sports Commission (PSC) dahil sa pagpapabaya sa kanyang trabaho.

“I want to put things back in order in Patafa. I had declared all coaching positions vacant and have asked them to submit their courtesy resignation. But I promised them that in 72 hours I will be able to name the new coaches,” wika ni Go kahapon.

Umaksyon na rin si Go kay Sy nang italaga si Agustin “Danny” Jarina bilang acting head coach at siyang kakausap sa lahat ng mga coaches at iba pa na nagkaroon ng paksyon matapos mawala ang Patafa head ng ilang buwan.

“I criticize myself because of my sickness I was out for a while and these things happened. I apologize and I will try to bring back the smooth relationship of the coaches and the athletes,” pahayag pa ni Go.

Nakausap na rin ni Go sina three-time Southeast Asian Games gold medalist at Olympian Henry Dagmil at coach Arnold Villarube upang ayusin ang kanilang relasyon.

Si Dagmil ay lumabas noong Martes para idiin si Sy na tunay na walang ginagawa dahil wala siyang naibigay na programa mula pa noong pumasok sa national team noong 2000.

Ibinulgar pa ni Dagmil na si Sy ang nagpapautang at nasa kanya ang mga ATMs ng umutang, bagay na ipinagbabawal ng PSC.

Read more...