DJ Mo epal na naman, ‘minura’ sina Maja, Lloydie, Piolo, Dennis


USUNG-USO ang selfie. Actually, nanguna ang Makati bilang Selfie Capital of the World. A TIME report said that in Makati and Pasig there’s “258 selfie-takers per 100,000 people”.

Ang pinakasikat na selfie photo sa buong mundo happened when Ellen DeGeneres took a selfie of Hollywood stars sa katatapos lang na Oscar Awards.

Hindi naman nagpatalbog ang local actors natin sa katatapos na Star Awards for Movies. Nagpakuha ng selfie ang ilan nating celebrities sa pangunguna ni Ai Ai delas Alas kasama sina Piolo Pascual, Maja Salvador, Robi Domingo, Baron Geisler, Aga Muhlach and John Lloyd Cruz.

Meanwhile, apparently irked, binasag ni Mo Twister ang trip ng local stars natin na nagselfie sa Star Awards. “I beg, if ur a celeb & ur name is NOT Bradley, Ellen, Brad, Angelina, Meryl, Kevin, Jennifer or Lupita — PLS STOP FUC***N COPYING THE SELFIE,” Mo tweeted.

Alam mo Mo, walang basagan ng trip. Kung ‘yun ang gusto ng mga local celebrities natin, ano’ng masama roon? Inggit much? Eh, di gumaya ka rin!

Ang hirap kasi sa iyo, ang lakas ng loob mong magtatatalak dahil ang layo mo! Umuwi ka kaya rito saka ka mang-away, tingnan ko lang kung saan ka dadamputin.

Ay oo nga pala, hindi ka nga pala basta makakauwi sa Pilipinas dahil siguradong dadamputin ka ng mga pulis sa mga kasong nakasampa sa iyo rito.

Read more...