Matteo sa maikling buhok ni Sarah: maganda, sobrang hot niya ngayon!


O HAYAN ha, mismong si Matteo Guidicelli na ang nakiusap na iwasan nang magtanong sa kanya tungkol sa nanay ni Sarah Geronimo na si Mommy Divine. Whatever it means, okey na raw sila ng magulang ng kanyang rumored girlfriend.

Sa simpleng paglalarawan ng hunk actor hinggil sa bagong short hair ni Sarah, mararamdamang very supportive ito sa Pop Princess. Kung anu-ano na kasing bersyon ang lumalabas sa tunay na dahilan nang pagpapaikli niya ng hair.

Kahit pa nga raw mayroong “live” contract si Sarah sa isang shampoo product at kailangang may mahaba siyang buhok, talaga raw inunawa ng kumpanya ang desisyon ng pop superstar.

Ibig sabihin kahit nasa kontrata na kailangan niyang i-maintain ang kanyang long hair, walang demandahang magaganap.
At dahil balot nga ng kontrobersya kapatid na Ervin ang usaping ito (walang paliwanag maliban sa ito raw ang peg ng hair ni Sarah for her movie team-up with Coco Martin), minabuti na nga marahil ni Matteo na suportahan na lang ang GF.

Ayon kay Matteo, mas naging hot pa raw si Sarah sa hairstyle nito ngayon. “She’s very beautiful, she looks hot, she’s very beautiful with her short hair.”

Read more...