Meg Imperial virgin, wala pang karanasan sa sex


Inamin ni Meg Imperial na nakaka-relate siya sa pelikulang “Ekstra” ni Batangas Gov. Vilma Santos-Recto dahil naranasan niyang maging ekstra simula noong 10 taong gulang palang siya.

“Hindi ko po napanood ‘yung movie, ikinuwento lang sa akin at talagang relate na relate po ako roon kasi naranasan ko.
“Nasubukan ko lahat, like passers-by lang ako kina Ms. LT (Lorna Tolentino), then naging sorority friend lang ako ni Valeen Montenegro during Isabela (serye ni Judy Ann Santos) before, naging talent lang ako na nagligtas kay Albert Martinez during Maria Flor de Luna and I don’t think matatandaan ninyo kasi talagang talent lang ako, tapos may line na ibinigay, ooopps, may line ka.

“Dati po kasi wala akong network before kaya kung saan-saan ako nagiging passers-by, nag-channel 4 pa nga po ako, like PCSO project, mga ‘yun.

“Hanggang nakilala ko po si tita Chit Ramos at binigyan ako ng card para mag-audition bilang batang Bea Alonzo at pumila po ako sa ABS-CBN, isa sa 200 na applicants pero rejected po ako.  Iyon po ang first rejection sa audition.

“Hanggang sa nakahiligan ko na pong mag-audition, tuluy-tuloy na hanggang sa na-enjoy ko at nag-workshop ako ganu’n,  hanggang sa nagkaroon ng bit roles then nag-workshop dito sa ABS bago ako nag-TV5 tapos balik ulit ng ABS,” mahabang kuwento ni Meg sa solo presscon niya kahapon para sa panghapong seryeng Moon of Desire na papalit sa Galema:.

Samantala, indirect na inamin ng baguhang aktres na wala pa siyang karanasan pagdating sa sex kaya’t tinanong namin kung paano niya nagawang iarte ang papel niya sa Moon of Desire kung saan magkakaroon din siya ng bed scene kina JC de Vera, Miko Raval at Dominic Roque.

“Totoo po na (nahirapan) ako, pero hindi ko naman po sinagot ng diretso na virgin ako kasi ayokong masabihan ng ano, kasi parehas, may negative, may positive ang sagot ko, so ayoko na lang pong magsalita.

“Nakakatulong po sa akin ‘yung pagtatanong, panonood ng movies, plus advise kung paano ang tamang atake. Weird lang siya kapag tinanong mo,” paliwanag ng dalaga.

Alamin kung bakit tinawag na Moon of Desire si Meg kasama si Ellen Adarna na mapapanood na sa Marso 31, sa Kapamilya Gold.

Read more...